Ikatlong luha, ikatlong tula, PAALAM sinta ko, sa tingin ko ay hanggang dito na lang tayo.
Ikatlong luha | Paalam | lazyrature
—
Sa lahat ng storya,
Libro nating dalawa ang lagi kong binabasa,
Nakakatawa, madrama, at hindi nakakasawa,
Librong ating ginawa.Dalawa tayo,
Haharapin ang mga pagsubok na matatamo,
Kakapit sa isa't isa,
Hanggang matalo ang problema.Ngunit isang araw,
Isa sa atin ang bumitaw,
Ika'y namaalam,
Ako naman ay walang kaalam alam.Sabi mo, "hanggang dulo,"
Pero bakit ikaw ang unang sumuko?
Pangako mo ay napako,
Isa kang dakilang manloloko.Ako kahit nag sawa,
Binalik ang dating sigla,
Dahil gustong matuloy ating storya,
Hanggang sa ito'y maisara.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana,
Tayo ay sinira,
Tayong dalawa ay wala na,
Paalam, hanggang sa muling pagkikita.—
BINABASA MO ANG
Project Poetry (Non-stop)
ПоэзияNon-stop. | Language: Filipino & English Mga pinagsama-samang mga luha, aking gagawing instrumento upang magakawa ng iisang akda pero marami at siya ang pangunahing paksa. © Lazyrature