Ikalimang luha

10 0 0
                                    

Ikalimang luha, ikalimang tula, ako'y patuloy pa ring lalaban kahit wala ng IKAW AT AKO.

Ikalimang luha | Ikaw at ako | lazyrature

Sa bawat galaw mo,
Ako'y pinapahanga mo ng buo,
Hindi maiwasan na mahulog ng paulit ulit sa 'yo,
Pero sadyang masama ang ating tagpo.

Hindi tayo ang pinagsama ni tadhana,
Itinakda na hindi tayo ang para sa isa't isa,
Hindi tayo nararapat maging isa,
At maging masaya.

Hindi sa ayoko,
Hindi ko din masasabi na aking gusto,
Pero iniwan mo 'ko,
Nakatayo at hinihingalo.

Sa maliit na panahon na ating pinagsaluhan,
Masasabi kong napasaya mo 'ko panandalian,
Hindi naalala mga problemang dinaanan,
Kasi nandiyan ka at aking nasasandalan.

Nawala ang dating ako,
Ang taong laging nakangiti,
Simula ng mawala ka—na nagpapangiti sa katulad ko,
Ngayon ay makikitaan na lamang nag pagkahikbi sa aking mga labi.

Sa tulang ito,
Hinahandog ko sa 'yo,
Kung mababasa mo man ito,
Sana ay maalala mo ang isang tulad ko,
Nag hihintay sa pagmamahal mo.

Project Poetry (Non-stop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon