Chapter 4: Stones and Rules
Hyacinth
Nagpasya akong sumama kina Koko at Tegan para kumuha pa ng pagkain. Hindi ko nga alam kung bakit parang napilitan pa si Tegan na payagan akong sumama.
"Ano ba ang pinag-uusapan niyo at bakit nagbubulungan kayo?" tanong ko.
Tumingin sa akin si Tegan. Nakaakbay ito kay Koko at may malawak na pagitan sa amin. Kasi nga ayaw nilang iparinig sa akin kung ano man ang pinag-uusapan nila.
"Wala naman, Baby Aya."
"Wala pero ayaw niyong iparinig sa akin?" Sumimangot ako.
"Sabihin ba natin, Tegan?"
"Hindi. Sira ba?" asik ni Tegan kay Koko.
"Eh? Baka magalit si Aya eh."
"Mas lalo siyang magagalit kapag nalaman niya." Tumikhim si Tegan bago muling tumingin sa akin. Lumapit ito sa akin at pinatong sa balikat ko ang kanyang kamay. "Mukhang mabait ang bagong manggagamot ah."Napanguso ako. "Yeah..."
"Mukhang magaling din."
"Teka. Para saan ang manggagamot?" tanong ni Koko.
Tumuwid ang tingin ko sa daan. "Para sa akin..."
Mabuti na lang at nakarating na kami sa kusina. Kumuha sina Koko at Tegan ng mga tinapay at nilagay sa basket. Nakaupo lang ako at nakatingin sa kanila. Nag-uusap pa rin ang dalawa.
Napairap ako. I just roamed my eyes around. Marami pa ring gising na tagapagsilbi. May mga sulu sa bawat sulok at may malaking siga sa dulo na nagpapainit sa temperatura. Maraming nakaimbak na pagkain dito kaya masarap tambayan.
I let out a heavy sigh. Naagaw uli ng dalawa ang atensyon ko.
Namula ang mukha ni Tegan. Tumawa si Koko.
I crossed my arms on my chest. Really? Mukhang nakakatuwa ang pinag-uusapan nila pero hindi ko alam.
Naaasar na talaga ako.
Siniko ni Koko si Tegan at nginuso ako.
Kumuha ng mansanas si Tegan at lumapit sa akin. "Why are you pouting your lips, baby?" he asked while tossing the apple back and forth.
"Kung ibibigay mo sa akin ang mansanas para maging bati tayo uli, hindi. Ayoko," pagsusungit ko. Mas humigpit ang pagkakahalukipkip ng mga braso ko.
"Uhmm..." Napatingin siya sa hawak na prutas. "Hindi naman 'to para sa 'yo."
"Tegan, nakakaasar ka," bumaba ang boses ko."Hays." Umupo ito sa tabi ko. "Nagseselos ka ba?"
"Naaasar..."
"Ganyan ang nararamdaman ko kapag si Koko lang ang pinapansin mo," aniya na ikinalingon ko. Siya naman ngayon ang nakasimangot. "Iimbitahan mo ba talaga ako sa salo-salo na ito?"
"Oo naman!"
Tumitig ito sa akin. "I mean... wala namang kaso sa akin kung si Koko lang. I understand. Hindi siya sanay sa atensyon sa labas kaya binibigay mo ito sa kanya ngayon. Pero... medyo... nakakapagselos."
"Naasar ka rin?"
"Selos, Aya."
"Bakit selos?" naguguluhan kong tanong.
"Kasi... siya lang ang pinapansin mo?" maging siya ngayon ay halatang naguluhan.
"Naaasar ka kapag siya lang ang pinapansin ko?"
BINABASA MO ANG
Freed Souls
VampireCardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 3) Just when they thought everything was going according to plan, a seed sprouted from the ground, changing the game entirely.