Ikaanim na luha, ikaanim na tula, para sa 'yo ang akda kong ito. Libo-libong tula, ngunit iisa ang PAKSA, ikaw iyon, sinta.
Ikaanim na luha | Paksa | lazyrature
—
Aking mga tula,
Ikaw lagi ang paksa,
Hindi mo pa ba nahahalata?
O kung kulang paba ang aking mga piyesa para iyong madama na ikaw ay aking sinisinta.Sandali pa lang tayo nag-kakilala,
Pero nabihag mo agad ang puso kong hindi na makaalala,
Ngayon ay bumalik ang dating sigla,
Pero biglang napawi dahil nawala ka.Mahal ko,
Pansinin mo naman kahit akin man lang akda,
Na ikaw ang pangunahing paksa,
Dahil hindi ko matapat ng maayos ang aking nararamdaman sa 'yo kaya dinadaan sa mga tula.Sa tulang ito,
Nais kong malaman mo na seryoso ako sa mga salita ko,
Pati naren sa nararamdaman ko para sa 'yo,
Kaya sana ay mapansin mo.—
BINABASA MO ANG
Project Poetry (Non-stop)
ПоэзияNon-stop. | Language: Filipino & English Mga pinagsama-samang mga luha, aking gagawing instrumento upang magakawa ng iisang akda pero marami at siya ang pangunahing paksa. © Lazyrature