One Shot Story

0 0 0
                                    

Martes at alas otso ng gabi nangyari lahat. Ang pageant at ang pangyayari na hindi ko inaasahan.

"And the winner is... Candidate number 6!"

Palakpakan doon, palakpakan dito.

'Yan ang maririnig ninyo sa buong himnasyo.

"Hi, congrats" Magiliw niyang sabi sa akin.

Normal para sa iba na batiin ka ng kalaban mo kapag nanalo ka, pero sa akin? Hindi.

"Congrats din sayo" Ngumiti ako sa kanya ngunit ang ngiting 'yon ay puno ng pait. Ngiti na sa loob gusto na magreklamo, umiyak.

"Nakuu, ano ka ba hahaha ikaw nga ang nanalo eh" Tawa niya pa at akmang yayakapin ako nang inatras ko ang paa ko ng dalawang beses.

Doon nakita ko siya na nakatingin sa babaeng nasa harapan ko. Ang mga labi ay walang humpay sa pagngiti na tila ba nakabingwit siya ng isang diyamante na ayaw niya ng pakawalan pa.

"Congrats..." Ngumiti siya ng inulit ko ang pagbati sa kanya, magsasalita na siya ng unahan ko siya.

"Congrats dahil na sa iyo na ang taong dapat para sa akin" Nagulat siya, alam ko, wala siyang alam. Halata sa kaniya na wala siyang alam, napaka inosente at napaka bait niya. Kaya siguro siya ang pinili ni Hex.

"Congrats dahil na sa iyo na ang korona, korona sa puso niya" Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya, umiiling at humihingi ng tawad.

"Oo Myra, nanalo ako bilang Ms. Binibining Quezon sa lugar natin. Oo, hawak ko ang korona, pero hindi ito ang gusto ko eh. Nanalo ako sa paligsahan na ito pero hindi ko nagawang manalo sa puso ng taong mahal ko. Nakuha ko ang korona sa laban na ito pero hindi ko makuha ang korona sayo pagdating sa puso ni Hex. Kaya congratulations for winning his heart." Sambit ko habang ang mga luha ay tumutulo na.

Ayos lang yan Shane, maging masaya ka na lang para sa kanila. Magiging ayos din ang lahat.

Dadating din ang tamang tao at ikaw na ang mananalo sa puso ng tamang tao na nakalaan sa'yo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KoronaWhere stories live. Discover now