Shanniara Samaradwey
"Shan!" Tumingin ako kay Zhyla nung tawagin niya ako "Tignan mo yung idol mo oh" Mabilis akong lumapit kay Zhy at kinuha ko ang cellphone niya "May bago nananaman siyang ipapalabas!" Tumango ako "Kasama niya ulit si Cyrain yung ka love team niya"
At ang pamagat ng bago nilang palabas ay True Love romance nananaman
"Hayss sana ako nalang si Cyrain" Napanguso ako at kinotongan naman ako ni Zhyla
"Ano kaba HAHAHA mas maganda ka kay Cyrain! Huwag kang mainggit sakaniya" Kinuha niya ang cellphone niya sa kamay ko at bumalik na ulit siya sa counter dahil may customer na dumating para umorder ng coffee
Yung idol kong si Alexander Atticus ay never kopa siyang nakita sa picture ko palang siya nakikita at nahahalikan eh bakit ba adik na adik ako dun kay Alexander e bukod sa gwapo na e napakatalented niya kaya sobrang daming nyang fans at sa sobrang adik ko nga sakaniya iniimagine kona boyfriend ko siya tapos magiging asawa niya ako tapos kinikilig ako sa sarili kong imagination
Ang swerte nga ni Cyrain dahil sa dinami rami ng nakasama ni Alexander na babae sa mga palabas niya ay si Cyrain yung pinaka favorite niya at baka nga siya din yung ideal type niya minsan nga yung IG stories ni Alexander ay puro kay Cyrain kasama siya
"Shan?!" Nagulat ako nung sumigaw sa mismong tenga ko si Zhy kaya napahawak ako sa tenga ko
"Babasagim moba eardrum ko?!" Inirapan ko si Zhy at tumawa naman siya
"Nako tama na kasi yang pag imagine mo kay idol mo mamaya mo nalanv ituloy saan kanaba banda?" Muli siyang tumawa
"Tumahimik ka nga magtrabaho na tayo" Lumapit ako sa customer na nasa dulo para kunin ang order niya
"Good afternoon sir" Nakangiti kong bati sakaniya
"Good afternoon" Ngumiti siya sa akin
"Can i take your order sir?"
"Ahm cuppucino yun lang" Isinulat ko ang cuppucino sa maliit kong notebook na dala dala ko. Nginitian ko muli ang customer na lalaki at bumalik na sa counter
Ibinigay ko kay Zhy ang notebook dahil siya ang magseserve non
"Cuppucino" Sabi niya habang nakatingin sa notebook
"Hindi kape" Sarkastikong sabi ko
"Kape naman talaga—"
"Naghihintay siya" Umiling siya habang tumatawa
"Sige.. imagine ka muna ulit jan ako na magdadala sakaniya" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko at binuksan ko ito
Inopen ko ang insagtram ko at tinignan ko ang myday ni Alexander
Alxxxndrr_kush
Sila nananaman dalawa ni Cyrain habang nasa restaurant silang dalawa. Pinatay kona ang cellphone ko at ibinalik muli sa bulsa ko ito
Pauwi na kaming dalawa ni Zhyla habang kumakain kami ng corneto na binili niya sa tindahan
"Nakita mo myday ni Lodicakes mo?" Tumango ako "I think nagsisimula na silang magtaping"
"Siguro.."
Mabilis kaming napatingin ni Zhyla sa lalaking mabilis na tumatakbo nakahoodie ito ng black at nakasuot ang hoodie nito sa ulo hindi namin nakita ni Zhyla ang mukha niya dahil nakayuko ito at sobrang bilis niya din tumakbo, nagkatinginan kaming dalawa ni Zhyla at sabay kaming tumawa