Chapter 31
He's in love with Spring. My sister.
Hindi agad ako nakapagreact agad dahil sa nalaman ko. It is shocking. Ngayon ko lang nalaman ito at parang may tumusok sa puso ko na hindi ko maintindihan. Parang may hindi tama.
But he's in love with Spring? How could it be?
Napapikit ako nang kumirot bigla ang ulo ko. Mahina ko itong pinukpok at ramdam ko naman na biglang nabahala ang katabi ko.
"Ayos ka lang? Masakit ba ang ulo mo?"
I didn't react. My heart apace. It feels like I'm having a hard time to breath knowing that I am fine, but my head is not.
I heard him saying something, but it did not focus to me. Parang binibiyak ang ulo sa sakit. Nang maramdaman kong aalis siya sa tabi ko, I immediately hold his hand to stop. My eyes open slowly.
And from this moment, ito na naman ang pakiramdam na parang wala ako sa sarili.
Na parang ibang tao na naman ako.
Sa mga sumunod na oras, natapos na ang performance namin. Takang-taka ako kung papaano nangyari 'yon kung kanina lamang ay nasa backstage kami at kausap ko si Kent. Parang ang bilis ng pangyayari. 'Yong pakiramdam na gising ka ngunit parang tulog ka.
Ah, whatever!
Baka guni-guni ko lamang 'yon.
"Congrats to all of you! Paniguradong kayo na ang mananalo!" Bati sa'min ni Miss Director na bakas ang saya sakanya. Napabaling ang tingin niya sa'kin. "Lalo na sa'yo, Jorge! Kitang-kita ko kung paano mo binuhos ang emosyon mo."
Napakunot ang noo ko. Ano bang nangyari? Wala akong matandaan sa ginawa ko kanina. Ang huling naaalala ko lang ay nag-uusap kami ni Kent nang biglang sumakit ang ulo ko. Pagkatapos non ay wala na akong ibang matandaan pa.
Kahit takang-taka ako sa nangyayari ay ngumiti ako saka nagpapasalamat.
"After this, I will treat all of you!"
Naghiyawan naman ang lahat maliban sa'kin. Matapos ang event ay tinototoo nga ni Miss Director ang kanyang sinabi kanina. She treats us in the restaurant kaya nagtext ako sa mga kaibigan ko at kay Marcus na hindi ako makakasabay sakanila.
Habang nag-oorder ng pagkain biglang tumabi sa'kin si Kent na nakipagpalitan kay Nicka. Ramdam ko ang paninitig nito kaya napatingin ako sakanya at tinaasan ng kilay.
"Problema mo? Makatitig ka wagas," mataray sa saad ko ngunit hindi man lang siya natinag.
Hindi ko na sana siya papansinin kaya lang bigla niya ulit nakuha ang atensyon ko.
"Ang weird mo kanina," he said. "You called me in my second name."
Kumunot ang noo ko. "Ako? Ba't naman kita tatawagin sa second name mo?"
Duh, I never called him in his second name. Kahit isang beses ay hindi ko pa siya natatawag non 'tapos ngayon sasabihin niya na tinawag ko siya sa second name niya. Is he dreaming?
Nagkibit-balikat ito. "Nagtaka nga ako kung bakit mo 'ko tinawag sa pangalawang pangalan ko."
"Baka nagkamali ka lang ng pagkakarinig."
Tumango-tango siya. "Siguro nga." Ngunit ramdam ko na parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
Why would I call him in his second name? Ang weird, ah.
But I was wrong.
Hindi guni-guni ang nangyayari sa'kin. Lumipas ang araw, pinapakiramdaman ang sarili, may kakaiba sa'kin. Hindi ko malaman kung ano, basta may kakaiba. Ang kakaiba pa ay takang-taka ang mga kaibigan ko sa'kin.
BINABASA MO ANG
Summer ( Season Series 1)
RomanceSeason Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life before. Everything she has before was now gone. For three years, she's been curious about herself, but...