Corona's pov
Nagulat ako sa nakita ko pagbaba ko ng hagdan.
"Joseph?" nakangiti kong sambit ng pangalan nya.
"The one and only." Nakangiti ito sa akin.
Paano sya nakababa agad dito? Magkausap lang kami sa taas kanina ah.
"Kainis." Nasabi ko na lang habang magkakrus ang mga braso na nakaupo sa sofa.
Ano naman kayang problema ng isang iyon? Ilang araw na syang hindi namamansin.
Yan na nga ba ang sinabi ko eh.
Nasanay kaya hayan.
Bwisit sya.
"Pst."
Nawala ang pagkakasimangot ko ng may marinig ako. Napalingon lingon ako at laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha na nakaupo sa gilid ng balkonahe.
Nakangiti ito sa akin. Kaya napangiti rin ako.
Nananaginip ba ako?
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa balkonahe para kumpirmahin kung tama ang nakikita. At tama nga ako.
"Mukhang kinakawawa ka nila dito ah."
Dapat sisimangot ako at magpapaawa dahil sa sinabi nya pero mas napangiti pa ako. Kainis.
"Grrrrr" Napalingon ako kay Fang dahil parang galit ito. Hindi ko sya napansin kanina. Nandito lang din pala sya sa kwarto.
"Wag kang maingay Fang." Suway ko dito.
Para namang maamong kuting na naglakad palabas ng kwarto si Fang Nagtampo yata.
Muli kong tinignan ng nakangiti ang lalaki.
"Ikaw si Joseph hindi ba?" paninigurado ko.
Ngumiti ito sa akin. " Sabi ko naman sayo. Magkikita tayong muli."
Nakakainis na hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti. Masyado na akong mahahalata nito.
"He's here." Narinig kong sabi nito.
Nalingat lang ako sandali para hanapin ang tinutukoy nya pero bigla na lang syang nawala.
Nagulat na lang ako ng makita sa tagiliran ko si Uno.
"You are not welcome here so you may go." Napalingon ako kay Uno na umiinom naman ngayon ng tea.
Ibig sabihin magkakilala sila?
Hindi pinansin ni Joseph ang sinabi ni Uno. "Wanna go out?"
Halos mapatalon ako sa tanong nya pero mahinhin akong tumango at ngumiti.
Hinawakan nya ang kamay ko at balak na sanang hilahin ako palabas ng may kamay na humigit sa kamay ko palayo kay Joseph.
"She's not going out." Seryosong sabi ni Uno habang hawak ang braso ko.
Nakangisi lang naman sa kanya si Joseph.
"I'm sorry Jose but you need to go." Magalang na sabi ni Smith.
Kakilala din sya ni Smith?
Napalabi tuloy ako. Wala pang isang oras na magkasama kami pero aalis na sya agad.
"Look at her Uno. She wanted to come with me."
Hindi sya sinagot ni Uno at blanko lang tinignan. Kinakabahan tuloy ako sa kanilang dalawa. Parang may kuryente na dahil sa tindi ng tingin nila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Fall Play
Teen FictionHelping the wrong person. Protecting the wrong one. Playing their games. Falling little by little. The man who has everything will met the woman who has nothing. And it all started by playing the game called Fall Play. *** Sino kayang mananalo sa si...