Introduction
Matapos ang tragedy na nangyari sa amin ni Camille, natutunan naming magmove on at kalimutan ang mga nangyari sa nakaraan. Ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang agos ng buhay ko, pero hindi ko alam kung hanggang saan. Ikwekwento ko naman ang susunod na yugto ng buhay ko, mula sa bagong simula, hanggang sa isa na naming hindi inaasahang katapusan
Chapter 1: The Great Start
December 31,201411:46 pm
Pagkatapos ng nangyari noong November 5, 2014 madami nang nagbago sa buong school,mula sa facility hanggang sa mga school rules nito, lalo na sa mga highest official nito, ang Principal.habang kaming lahat ay patuloy pa rin ang agos ng buhay at wala nang tiyansang titigil pa ito. Kasama na sa pagbabago ang 5 assignment kada araw, at may take home quiz linggo-linggo which make my head hurts and my hands sore, pero hindi pa rin natitigil dito ang motivation kong maging qualifier. Pero bago mag 12/31/14, may nangyari kung bakit nasa school kaming lahat
December 22, 2014
Isang normal na araw iyon sa aming lahat. Wala kaming masyadong prinoproblema dahil bakasyon na iyon para sa aming lahat.Naka Mika kami ng mga oras na iyon upang magpalipas ng oras. Nagtatanungan kami kung may plano kami itong darating na taon.
“Guys, may plano ba kayong lahat sa darating na taong ito?”tanong ni Lynn
“Wala naman, Bakit?”sagot ni Mika
“Kasi, wala pa kaming plano eh, gusto ko sanang imbitahan kayong lahat sa swimming”
“Swimming!?” napatalon sina Gelo at Niño sa rest chair “Saan at kelan?”
“Hindi pa nga sure eh, nakikinig ba kayo o ano ba?” sabi ni Dave
“Kung wala kayong plano, may suggestion ako”sabi ni Jenica, sabay pakita ng letter at envelope galling sa principal
“Oy, oy OY, ano nanaman iyan? Conference letter? Ayoko na niyan oy oy!” sabi ni Dave
“May nagawa ba nanaman tayong itong buwan ulit?” sabi ni Isabel
“Bakasyon na ah?, hindi pa rin tayo tinatantanan?” sabi ni Will
“Baka tunay nga tayong miss ni ms. Principal, diba? hehehe” sabi Kyle, na wala niisang natawa sa joke niya
“O baka naman Letter of Report?”sabi ni Lynn
“MAS ayoko niyan ”sabi ni Dave
“GUYS!?” nagtinginan kaming lahat kay Kyle “Hindi kaya….”
“Ano iyon?”sabi ni Rain
“Pinapalayas na tayo sa loob ng school? HALA!? Paano kinabukasan natin WAAHHH” Pokk!. Hinampas ni Rain ng malakas si Kyle ng isang boteng plastic
“Aray~~” sabi ni Kyle, yan kasi, iyan ang napapala ng mga pilosopo
“Ano iyon Jenica? Sabihin mo na! nae EXCITE na ako!?”sabi ni Mika
Sinimulan nang basahin ni Jenica ang letter na bigay ng Principal
“Dear Champions of the 3 Event Championship, kami sa SLIPCA ay inaanyayahan kayong dumalo sa darating na New Year’s Party sa Gymnasium ng December 31, 2014”
“New Year’s Party?”tanong ni Rain
“Ano naman iyong New Year’s Party?”tanong ni Camille
“Sa palagay ko, icecelebrate ng school iyon para salubungin ang swerte” sabi ko
“Bakit naman icecelebrate ngayong taon? Bakit last year hindi?” tanong uli ni Camille
“Ewan ko lang ha?, dahil every 10 years lang ito icecelebrate dahil ngayong taon na ito ay ika 40th Founding Anniversary ng school”sabi ni Jenica
BINABASA MO ANG
Love That Were
Teen FictionAfter the tragedy between Victor and Camille, they will strive to forget it and continue to live to the present. Pero nang sila ay naimbitahan sa International 3 Event Championship, medyo, palala ng palala ang mga pangyayari sa kanila