Chapter 15

62 3 0
                                    

"Hera aalis muna ako saglit" Mabilis kong kinuha ang jacket ko na nakasabit sa railing ng double deck.

"Huh? San ka na naman pupunta?"

Okay sigurado akong tungkol na naman ang tanong niya sa nangyari nung isang araw.

Iniisip niya rin siguro ang pwedeng mangyari at baka nga naman maulit na naman ang nangyari. Mahirap na lalo't galit pa si Zeus.

Zeus ko! Ang tagal mag move on.

"Sa Cafeteria lang... Hindi naman ako mag tatagal" Niliitan niya pa ako ng mata na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

Mukha ba akong mahilig mang modus? Wala sa itsura ko ha! Mapagkakatiwalaan yata ako!

"Ano ba kasing bibilhin mo d-"

"Hera trust me uuwi ako ng buhay at maaga" Sabi ko saka siya hinawakan sa magkabilaang balikat.

"Sure ka ha... Yari ako nito pag hindi ka kaagad nakauwi" Pinagkrus niya pa ang braso... Naalala ko tuloy sa kaniya si Ate Dion. " Tutustahin ako ni Zeus, Lia... Kaya pakiusap... Bago mag 30 minutes ay nakabalik ka na"

Kailangan talaga may curfew? Tanod ba siya nung past life niya?

"Oo na sige na... Baka mamaya ipasara niyo pa ang buong Cafeteria para lang makabili ak-"

"Good idea! Sasabihin ko kay Zeu-"

"Hephep! Aalis na ako... Exagge kayo"

Bago pa siya makapag salita ulit ay nakatakbo na ako palabas.

Feeling ko tuloy taga pagmana ako ng isang mayaman, engrande, bonggang negosyo kung protektahan nila ako.

Hindi kaya?... Baka anak rin ako ng mga Villarreal? Baka hindi si Ate Dion ang ate ko kundi si Aexearene?

It makes sense! Iba ang apelyido ni Ate Dion sa akin... At saka may nabasa ako na may isa pa raw na anak ang mga Villarreal pero itinatago at itinatanggi lang nila.

Baka pinapalabas lang nila na Despuez ako pero hindi... Baka pinoprotektahan nila ako dahil ako ang mag mamana ng AA?

Aish! Ang layo na ng narating ng utak ko... Di ko na namalayan na malayo na rin ang napupuntahan ko... Nakarating na pala ako sa Cafeteria.

Ganun ba ako katagal nag di-day dream? Pwede yata akong maging Author.. Gandang plot twist kaya nun!.

"Caffuccino , at isa pong slice ng Red velvet"

Sinilip ko ang relo ko dahil baka naka 30 minutes na ako... Baka sundan pa ako ni Hera rito dahil sa pagka praning niya.

Six minutes palang naman, buti na lang...

"Salamat po" Agad kong kinuha ang binili ko.

Pina- take out ko na lang para di na ako umubos pa ng oras.

Mga over pa naman ang mga kasama ko... Baka mamaya ay may magalit na naman.

Pag labas ko ng Cafeteria ay nakita ko si Hestia... Laking tuwa ko dahil kanina ko pa siya balak na hanapin at ikwento sa kaniya na wala na ang sugat ko.

Wala lang, nakakatuwa kasi dahil nag hilom iyon kaagad at walang naiwang bakas o peklat...

Papalapit na sana ako ng marinig ko ang mga sinasabi sa kanila ng isang babae.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon