CHAPTER 1: GRADE 12

17 0 0
                                    

Ito ay isang gawa ng kathang-isip. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at mga insidente ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may akda o ginamit sa isang kathang-isip na pamamaraan. Ang anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o tunay na mga kaganapan ay pulos nagkataon.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. Inayos ko ang aking damit at binuksan ang pinto.

"Magandang umaga!" Bati ko sa kanila. Nakita ko ang mga estudyante na may natutulog, kumakain, nagkwekwentuhan, at nakatulala. Kung gaano kataas ang enerhiya ko ngayon, siya namang baba ng enerhiya ng mga estudyante ko.

Bakas sa mga mukha nila na hindi pa sila nakaka-move on mula sa bakasyon.

"Huy! Magandang umaga raw!" Sigaw ng isang babaeng tamad na tumayo sa upuan.

Napahinto sila sa kaniya-kaniya nilang gawain at tumayo.

"Magandang umaga po." Bati nila at ibinalik ko ang ngiti sa aking labi. Umupo sila at tumingin sa akin.

"Ako si Ren Y. Evaristo, you can call me Sir Ren, at ako ang magiging adviser niyo for your last school year dito sa paaralan. Mahilig ako magluto at kumain. Ito ang unang beses ko magkaroon ng advisory class and sana maging masaya at makagraduate kayong lahat. Kayo naman. Anung pangalan niyo at hilig? Unahin natin ang mga nasa harapan." Sabi ko at nagpakilala sila isa isa.

•••

"Hmm.. may kulang na isa." Sabi ko at nagtaka sila at nagtinginan.

"Rye.?" Sabi ko at lumingon sa kanila ngunit nagtinginan lang din sila at kumibit balikat.

Unang araw palang ng eskwela ay may absent na. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Nakita ko na may tulog nanaman, kumakain at nagka-kaniya kaniyang kuwetuhan.

"12 SAMPAGUITA!" Sigaw ko at nagulat sila pero ako ang mas lalong nagulat ng magsitawanan sila, ang iba ay tumingin lang sa akin at bumalik sila sa kaniya kaniyang ginagawa. Mukha ba akong katawa tawa?

"Umayos kayo, hindi kayo makakatungtong ng kolehiyo o makakahanap ng trabaho kung hindi niyo aayusin 'yang ugali niyo." Dagdag ko pa.

Tumingin ako sa babaeng si Narra na nagpatayo at sumigaw sa mga kaklase niya kanina ngunit nakita kong nagbukas ito ng lemonskweyr at ngumunguyang nakatingin sa akin ng walang kahit anong expresyon sa kaniyang mukha. Sa totoo lang, paano ang mga 'to umabot sa Grade 12?

Mukhang mahihirapan yata ako sa unang beses ko maging adviser.

Pinagawa ko sila ng walang pagbabagong essay na kung saan ilalagay kung ano ang nangyare sa kanilang bakasyon. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero marami naman ang nagpasa. Sa ngayon ay kikilalanin ko muna sila ng maigi nang sa gayon ay matutunan ko kung paano sila pakisalamahuan.

•••

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Narra na dumaan.

"Uy si sir pogi! Gusto kita!" Sabi niya at ngumisi.

Napatingin ako sa paligid at buti walang nakarinig sa kaniya.

"Ikaw, anlakas ng trip mo ha. Tigilan mo 'ko, pag may nakarinig niyan." Sabi ko at umirap siya tapos maglalakad na sana palayo ng tawagin ko siya.

"Teka, may klase pa kayo ah? Bakit may ngata ngata kang turon?" Tanong ko at bumelat siya sa akin sabay takbo paalis.

Napailing nalang ako at bumalik sa faculty.

Okay lang 'yan, Ren! 'Wag kang mag-alala. Kaya mo 'yan!

••

Pagkatapos ng una kong araw ay dumaan muna ako sa Sebeneleben para bumili ng meryenda.

Bago ako makapasok ay may nakita akong lalakeng naka-uniporme katulad ng sa mga estudyante ko.

Pumasok na ako at bumili ng Siopao. Mabuti na lamang ay walang tao at nakabayad na ako agad. At dahil babasahin ko pa ang mga sinulat ng mga estudyante ko tungkol sa bakasyon nila, kailangan kong umuwi.

Paglabas ko ay nandoon parin ang lalaki. Nakaupo sa sahig at tumingin sa akin. Napansin ko na may kulay rosas din siyang brooch na ibig sabihin ay Grade 12 din siya.

"Anung seksyon mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumayo siya at pinagpag ang pantalon.

"Sampaguita." Sabi niya at naalala ko ang isang estudyanteng wala kanina.

"Ikaw si Rye?" Tanong ko at tumango siya.     "Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko ulit.

"Pakelam mo?" Sabi niya at tumakbo paalis.

"H-hoy!"

Woah. Nakakainis 'yun ah.

Nang makauwi ay tinignan ko ang listahan ng mga estudyante ko.

'Rye Mercado, 18, 09*********'

Calling 09*********

"Hello?" Teka, boses 'to ni Rye ah?

"Rye?" Tanong ko at narinig ko siyang ngumisi.

"Sino ka?"

"Si Ren, 'yung adviser mo." Sagot ko.

"Ah."

"Walang number ang magulang mo? Bakit sa'yo and nandito sa listahan?" Tanong ko.

"Wala." Tipid niyang sagot.

"Pwede ko ba silang makaus—"

Toooot toooot toooo tooot...

Sinalampak ko ang mukha ko sa lamesa at bumuntong hininga. Napaka nostalgic.

12 SAMPAGUITAWhere stories live. Discover now