Chapter 30

40 1 0
                                    

That was a passionate kiss. A long, yet short one. Short dahil hindi ko na-malayang matagal kaming naghahalikan. Sa gitna ng open field at sa ilalim ng ulan. Ang lambot ng labi ni Calix, ang sarap nyang humalik.

"Hala. Koya? Okay ka lang? Ngumingiti ka dyang mag-isa?" Sabi ni Mira.

"Bakit ba? Masama bang maging masaya? Sus" sagot ko naman.

"Okay lang naman. Pero share mo naman kung bakit ka masaya! Para hindi ka nagmumukhang ewan dyan."

"Wala! Alam mo kumain ka na lang dyan at manahimik" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Nasa canteen kami ngayon at nagla-lunch. Hindi ko pa rin mapigil ang kilig na nararamdaman ko. At sya nga pala, hindi pa alam ni Mira. Hindi ko alam kung paano sasabihin nang hindi sya mago-over react.

"Munchkin"

Napatingala ako ng ulo sa narinig ko. Omg! Nandito si Calix. What should I do?? What should I do? Wait, tinawag nya akong munchkin? Should I call him that, too? Bakit ako natataranta sandalee!!!

"Huy! Aden? Munchkin daw! Ano ba naman 'to" sabi ni Mira na patuloy pa rin sa pagkain.

"Yes, munchkin?" Nahihiyang sagot ko.

Nagulat kaming lahat dahil biglang nabuga ni Mira ang kinakain nya.

"A-ano?? Anong t-tinawag mo sa kanya??" Sabi ni Mira pagkatapos uminom ng tubig at patuloy na hinahabol ang hininga.

"Narinig mo naman 'di ba? Munchkin, sabi naman sa'yo sabay ka na sa'min mag-lunch eh. Kanina pa kita hinihintay. Tatampo na ako hmp" sabi ni Calix. Eh? Bakit parang mas gusto ko na lang na masungit at pasaway sya?

Napatingin ako kay Mira at as always, nakanganga sya sa mga nangyayari. Hinila naman ako ni Calix para sumama sa kanya.

"Mira, sorry. I'll explain later haa" sabi ko kay Mira pero nakatulala pa rin sya sa kawalan.

"Next time sa amin na kayo sumabay ni Mira mag-lunch." Sabi ni Calix habang naglalakad kami papunta sa pavilion ng college nila.

"Okay lang naman, kaso hindi ko pa kase nasasabi kay Mira na tayo na" sagot ko.

"Na ano? Paulit nga. Sarap naman sa ears nyan!" Sabi nya.

"Para kang sira umayos ka nga" sabi ko sa kanya.

"Naglalambing lang eh" sabi nya sabay pout ng lips. Ghad! 'Wag kang ganyan baka hindi ko mapigilan sarili ko at kung ano magawa ko! Napaka-gwapo! Grrr

"Ang sabi ko, hindi ko pa nasasabi kay Mira na boyfriend na kita. Okay na ba?" Sabi ko sa kanya.

"Yown! Kinilig naman ako shet" sabi nya sabay bigay ng malawak na ngiti.

Hinawakan ni Calix ang kamay ko. Yes, nagholding hands kami. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay nya papunta sa puso ko.

Pero nakita kong nagtinginan ang iilang tao na nadaanan namin. Binitawan ko ang kamay nya dahilan para magtaka sya.

"Hey? Are you okay? Why? Ayaw mo bang hawakan ko kamay mo?" Sabi nya.

"No. Hindi sa ganon." Sabi ko naman.

Nandito na kaming dalawa sa pavilion ng college nila. Kaming dalawa lang ang nandito. Hindi ko alam kung saan pumunta yung mga ka-gang nya.

"Then tell me. Ano yan?" Tanong nya.

"Hmm. Kase, hindi pa ako sanay? Siguro? Like, wala namang nakakaalam sa buong campus ng sexual preference natin, eh." Sabi ko.

"And so? Mahalaga ba kung ano sasabihin nila sa atin? Sila ba gumagastos sa date natin? Wala naman silang ambag sa relasyon natin ah" paliwanag nya.

May point naman. Hindi lang siguro ako sanay na ganito. He's my first boyfriend kaya nangangapa pa ako sa mga dapat at hindi dapat ikilos. Ngumiti lang ako sa mga sinabi nya.

"Calix, nagka-boyfriend ka na ba?" Tanong ko.

"Hmm. Yes. Isa." Diretsong sagot ni Calix.

"Ako kase, hindi pa. So technically, first boyfriend kita. Kaya pasensya na kung ganito pa ako sa ngayon ha? Nangangapa pa kase ako, eh" sabi ko sa kanya.

"Huwag ka mag-sorry ano ba. Natural lang yan and hindi ko naman pinipilit na maging comfortable ka na agad. Alam kong naga-adjust ka pa sa mga bagay na nangyayari. At ganon din ako. Bigyan natin yung mga sarili natin ng oras para maging handa, okay ba 'yon?" Sabi nya then he hold my hand.

At some point, nawala yung mga bagay na bumabagabag sa isip ko nung hinawakan nya yung kamay ko. Kumalma ako sa mga sinabi nya.

"Ganito na lang. Gusto mo iannounce ko sa campus na tayo na?" Sabi nya.

"No. Please. 'Wag. At least 'wag muna ngayon. Okay lang ba?" Sabi ko.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Calix.

"Munchkin? Bakit? Ayaw mo bang malaman nila?" Sabi nya.

"Hindi naman sa ganon. Siguro kailangan lang nating humanap nang tamang tyempo?" Sabi ko naman sa kanya.

"Sure, Munchkin. Hindi kita pini-pressure, okay? I got too excited lang kase na sa wakas tayo na" sabi nya sa akin.

Hays Calix. Kung alam mo lang kung gaano rin ako kasaya na finally naging boyfriend ko yung first love ko.

Kumain kami together. We cherish that moment. Masaya lang. Hindi namin inisip ang hinaharap, gusto naming lasapin ang kasalukuyan.

————

"Aba aba, saan nanggagaling ang ngiti na yan ha?" Pang-aasar sa akin ni Mira.

"Wala ano ba. Masaya lang ako. Alam mo ikaw ang bakit ba lagi mo akong binabantayan ha?" Sabi ko sa kanya.

"Alam mo pasalamat ka nga hindi ako nagtampo eh! Kayo na pala hindi mo man lang sinabi sa akin! Hmm" sabi nya sabay irap.

"Paano ko sasabihin eh ang OA mo mag-react. Balak ko naman talagang sabihin sa'yo ano. Kaso naunahan lang" sagot ko naman sa kanya.

Pagpasok namin ng pintuan, nakita naming nagkukumpulan yung mga classmates namin sa upuan ko.

"Excuse me, anong meron?" Nanlake ang mata ko sa nakita ko.

Isang boquet ng roses, at isang... pusa! What??

"Mira, sa'yo yata 'to bigay ng manliligaw mo yie" sabi nung isa naming classmate. Kinuha ni Mira ang letter at binasa ito.

"I love you, Munchkin, I hope you like these. OMG Aden!" Pinandilatan ko ng mata si Mira bago nya pa masabi sa buong klase na para sa akin ang flowers.

"Ah-eh, ang sweet naman neto! Kung sino man nagpadala neto! Sa sobrang sweet dadalhin ko na 'to at hindi na papasok ha ha ang saya, tara Aden? Samahan mo akong mag-cutting!" Kabadong sabi ni Mira sabay dampot sa pusa at labas ng classroom.

"Ugh! Ano bang iniisip ni Calix at ginawa nya yan" sabi ko kay Mira habang naglalakad kami palabas ng building.

"Ang sweet kaya! Hindi mo ba nagustuhan?" Sabi naman nya sa akin.

"Nagustuhan syempre! Pero alam naman nyang kailangan naming mag-ingat muna sa ngayon eh."

"Munchkin."

Napatigil kami sa paglalakad nang marinig ang boses ni Calix. Nandito sya sa gate ng building namin! Teka nga, hinihintay nya ba ako??

The Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon