Prologue

117 6 2
                                    

Wag na syang umasa. Bakit pa ba kasi kailangang humantong sa ganito?

It's been months since we've last met. Your mouth is saying that you no longer love me, but does your heart shout the same?

Pilit kong sinusuksok sa isipan ko na pinaasa mo lang ako at may iba ka na, pero binabalot naman ang utak ko na ako pa rin. Bakit?

Kasi sa mga tingin mo. Sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko. Yung mga titig mo raw hanggang ngayon, kakaiba at parang may pinaghuhugutan.

Kung sasabihin ko man iyon sa mga hindi nakakasaksi, sasabihin nila na baka pinagtitripan lang ako ng mga kaibigan ko. Paano ako hindi maniniwala sa kanila? Eh ako mismo ang nakakaramdam at nakakakita ng mga kilos mong parang may gustong ipahiwatig.

But despite the way you stared at me, you used to deny the fact that you still like me as well.

Wag na akong umasa? Gustong gusto ko 'yan gawin. Move on? Pilit ko yang sinasabi na naka-move on na ako, pero anong nangyayari? Kusang bumabalik ang feelings ko para saiyo.

Paano ba naman hindi? Araw-araw, hindi nawawalan ng pangyayaring iiwan akong nakabitin at gulong-gulo.

Katulad noong isang araw, nag-aalala ka para saakin. I thought you didn't care about me anymore? Sinabi mo yan the same day na sinabi mo na wag na akong umasa. Pero ano ang ginagawa mo ngayon?

Tinatanong mo ang mga kaklase natin kung okay lang ba ako? Kung bakit ako umiiyak? Pwes, tanga ka lang kung hindi mo alam kung bakit ako nagmumukmok.

Look...

It's easy to forget you,

it's painless to find another one to replace you,

it's simple to get over you,

but how can I do these things,

if I don't even know how to unlove you?

How to Unlove You (On an indefinite break)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon