17

21 6 0
                                    

Dilat ang isang mata at nakapikit ang isang mata na pinatay ko ang alarm ng phone ko.

3:30 am.

Mamayang alas singko pa ang flight ko. Ang akala ni Abby ay alas nuwebe pa ang flight ko, hindi ko kasi sinabi sa kanya na alas singko ang oras ng lipad ko.

Kahit labag sa aking kalooban na bumangon dahil inaantok pa rin ako, kailangan kong bumangon dahil may flight pa ako. Agad naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at dumiretso na sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis kaagad ako ng color grey na sweat pants, sa top naman ay white bralette at nagsuot nalang din ako ng jacket na color black at white sneakers.

Kaagad kong inilabas ang aking mga bagahe sa kwarto at pagkasarado ko ng pinto ay nahagilap ko kaagad si tito Kris na umiinom sa kusina nila.

"Aalis ka na?" He asked.

"Ah opo tito,"

"Does she knows?" He's referring to Abby.

"She doesn't know po tito na mamayang five po ang flight ko," I said then I heard him laugh.

"Sige, ako nang bahala sa batang 'yun. Ihahatid na kita sa airport, tara." sabi niya sabay tayo at naglakad papunta sa direksyon ko.

Kaagad naman niyang kinuha 'yung mga maleta ko at nauna na siyang lumabas ng bahay.




















As I stepped out of the plane, the fresh air welcomes me. The environment, the place and the air that I missed. Namiss ko 'to. Namiss ko ang Cebu.

"Finally, I'm home." I murmured.

Pagkalabas ko ng airport ay sumakay agad ako ng taxi. Tinanong ako ng taxi driver kung sa'n ako pupunta, sabi ko sa may pinakamalapit lang na hotel. Yes, hindi muna ako uuwi ng province ngayon dahil... Dahil sa kanya... Ngayong araw kami magkikita. Kung uuwi pa ako sa probinsya namin, matatagalan pa kasi ako. So I decided to stay for one day muna rito sa Cebu City then bukas na bukas ay uuwi na ako sa Asturias.

"Daghang salamat, kuya." sabi ko sa taxi driver dahil tinulungan niya akong bitbitin ang mga maleta ko.



















Anong oras ba kami magkikita?

Ngayon ba? Mamayang hapon? O mamayang gabi?

Nag backread ako sa chat namin pero wala naman siyang sinabi kung anong oras. I looked at my wrist watch and it's currently twelve forty-two in the noon already. So I decided na pumunta nalang ng Fuente. Nagbihis muna ako ng plain white T-shirt na naka tuck in sa maong pencil skirt ko nag suot nalang din ako ng color black na belt at 'yung white sneakers ko pa rin na sinuot ko kanina. I grabbed my sling bag at naglagay lang ng wallet, phone at liptint sa bag at umalis na sa room ko.

Sumakay lang ako ng taxi patungong Fuente. 'Di nagtagal nakarating na rin ako sa Fuente at hindi ko alam kung saang banda ba ako maghihintay hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang boses niya.

Sa Circle.

So papasok ako sa loob?

No choice ako kundi pumasok sa circle dahil 'yun 'yung sinabi niya.



























Asa naka?

I texted him

(Nasan kana?)

I've been waiting here for almost an hour na but still I can't find him.

I heaved a sigh.

Darating pa ba 'yun?

Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon