Chapter 36

88 10 2
                                    



gold rush
Taylor Swift
0:37 ──|────── 3:05
|◁          II          ▷|



ELY



"Ely..."

"Ely!"

Nagulat ako nang tinawag ako ni Claire. "Huy! Kanina pa kita sinubukang kausapin pero tulala ka lang 'jan. Nilalangaw na pagkain mo oh," sabi niya sabay turo sa pagkain kong hindi ko pa nahahawakan dahil wala ako sa sarili.

"OMG, 'wag mong sabihin na may nangyari kahapon? Ang sabi mo may gala ka, 'di ba? Hmm."

Hindi ko alam anong reaction niya kapag nalaman niya ang nangyari kahapon. Eh kasi naman, hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yun eh. Akala ko panaginip lang yun pero totoo nga talaga at mukhang nga sila nagbibiro sa sinabi nila kagabi.

"Pag hindi mo talaga 'yan sa akin, F.O. na talaga tayo—"

"Oo na, sasabihin ko na, okay? Promise me na hindi ka mag-ooverreact sa sasabihin ko," I surrendered.

Pinanliitan pa niya ako ng tingin bago siya tumango. "Okay, spilled the tea," sabi niya sabay inom ng juice niya.

Hininaan ko ang boses ko para siya lang ang makarinig. "Eh kasi, kahapon, pinuntahan ko yung new friend ko tapos siya yung naghatid sa akin kagabi."

"Tapos?" singit pa niya. Hindi pa siya nag-rereact.

"Hindi ko alam na nandoon pala si Vince sa apartment ko. When he left, nagkasalubong sila ng naghatid sa akin."

"And then?"

Kinabahan ako saglit dahil alam kong mag-rereact siya sa susunod kong sasabihin. I just sighed before I continued pero bigla na lang siya nagsalita. "Wait, let me guess. After that, inamin nilang may feelings sila sa'yo tapos balak nilang manligaw sa'yo, no?"

Hala, ba't niya alam?

Tinignan ko lang siya saglit bago iniwasan. Narinig ko pa siyang napasinghap. "I told you not to overreact—"

"O. M. G." malakas niyang sabi kaya bigla na lang nagsipagtingin ang mga kumakain malapit sa amin kaya nahiya ako bigla.

"Are you serious? May suitor ka na? Hindi lang isa, kung 'di dalaw—"

Just before she could finish speaking, agad kong nilagay sa bunganga nila ang burger ko kaya natahimik siya. Pinandilatan ko pa siya para tumahimik. Kahit kailan talaga, pahamak 'tong babae na 'to. Sana naman hindi siya narinig ng mga tao sa paligid namin. Malakas pa naman ang pagkakasabi niya no'n.

"Hi guys," rinig naming sabi ng lumapit sa amin kaya napatingin kami ni Claire kung sino 'yon.

"H-Hello Vince," bati ko ngunit napaubo na lang bigla si Claire kaya inabot ko sa kanya ang water bottle at agad niya ininom.

"Hi Vince!" bati niya pagkatapos mabilaukan. OA kasi.

"Upo ka, SA TABI NI ELY," aya pa niya kay Vince at nilakasan pa ang kakasabi ng huli niyang sinabi. Sinamaan ko siya ng tingin saglit.

"Ah 'wag na. Napadaan lang ako kasi may sasabihin lang ako sa kanya," sabi niya kay Claire saka tumingin sa akin.

"May tinext pala ako sa'yo. Just read it para malaman mo," sabi niya saka umalis sa table namin.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon