Special Chapter
Rue
“WHERE are you, babe? Ikaw na lang ang hinihintay rito. Everyone was already here.”
Mabilis kong sinuot ang isang fitted blue jeans at white puffed crop-top long sleeves. Pinarisan ko iyon ng white 4 inches heels and viola. All is done.
“Oo na! Oo na! Parating na ako. Psh. Bakit ba kasi nauna ka d'yan? Z naman, e!” Kumuha ako ng maliit na pouch at nagmamadaling umalis.
Nasa labas na ako ng bahay but I frustatedly stomped my feet ng makalimutang ang car keys sa kwarto ko. Tang na juice naman!
Babalik na naman ulit ako sa loob? Ugh! Bugnot akong naglakad papasok at kinuha ang susi ng sasakyan sa kwarto ko.
Dad gave me this as an advance gift for our upcoming birthday. Mas gusto ko 'yong regalo niya kay Kuya Eziel but I don't mind. I also love this, a lamborghini aventador SVJ roadster, it's my second baby. Of course my first baby is no other than. . . Zinnon.
I started the engine matapos na makalabas ng bahay. Papunta ako ngayon sa bahay ni Cielo to celebrate his birthday. Finally, natanggap na rin ng pamilya niya na magdo-doctor ito. Wala naman silang magagawa dahil iyon na rin ang gusto ng anak nila.
Sobrang saya ni Cielo no'ng ibinalita niya iyon sa amin. Of course we were happy that time, we celebrate it.
May kanya-kanya kaming tinahak matapos na maka-graduate sa high school. Nakakalungkot man pero ganyan talaga ang buhay. Hindi naman namin nakakalimutan ang isa't isa. We find time para maka-bonding kaming magkaklase.
Lahat kami ay nasa third year college na ngayon. Parang ang bilis lang ng panahon. Noon para kaming mga walang muwang sa mundo, halos sa isip naming lahat noon ay kalokohan.
I smiled when I remember my first day in Hades Academy. I punched them all na parang walang bukas, wala akong inuurungan noon. Napailing na lang ako sa mga kabulastugan kong nagawa.
Palaging sumasakit ang ulo nina mom and dad sa akin noong umuuwi ako ng may mga gasgas sa mukha. I miss my old self, nakakatuwang balikan ang mga araw na iyon.
My phone rang again, I was supposed to pick it up when suddenly a truck was running towards my direction. Nagpapagewang-gewang ito, tila nawalan ng preno. Oh my goodness!
My heart race rapidly. It is over? Will I die here now? I can't imagine I'm not with Z when he graduates. I can't imagine that I can't see the worst section when they got old with their grandchildren.
No! It's not yet over.
Nakakabinging busina ang nangibabaw sa buong paligid ngunit dinaig pa no'n ang ingay ng puso ko. Ang tangi ko lang iniisip ay ang mga taong mahal ko. Not yet, please. Oh god, please help me.
Nanginginig kong kinabig ang manibela para maiwasan ang paparating na truck ngunit hindi iyon naging sapat para maiwasan ng tuluyan iyon.
Isang nakakabinging pagkalabog ang bumuhay sa kuryosidad ng mga taong malapit dito. Isa-isang nagsilabasan silang lahat at nakiusyoso sa nangyari.
“Tumawag kayo ng ambulansya!”
“Ayos lang kaya sila?”
Habol ang hiningang napatulala ako sa mga taong papalapit sa sa sakyan ko, ganoon din sa truck na iyon. May kumatok sa bintana ko kaya agad ko iyong binuksan.
“Okay lang po ba kayo, miss?”
Napatango ako ng ilang ulit at napalabas sa sasakyan. Napasapo ako sa bibig ng makita ang sitwasyon ng truck na iyon. May mga karga itong mga gulay at nagkalat na ang mga iyon sa daan. Wasak amg unahang bahagi ng truck kaya mas lalo akong napasinghap.
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Teen Fiction(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...