FRIENDSHIP is one of the biggest treasure to be taken care of.
They are the people who give color to your life, the people to lean on when nobody does, not even your family, nor your boy friend/girlfriend sometimes.These are the people to rely on and the one you trust the most...
No one can live to their fullest without FRIENDS by your side.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
PROLOGUE....
Who's your bet ?Euna's POV——
Sigh "
Napabuntong hininga ako bago bumaba ng taxi.(Walking alone ) - -
Ako nga pala si Euna Perez , 2nd yr grader sa PCS, average student sa isang kilalang pribadong skwelahan sa probinsya namin. Isa sa mga studyanteng hindi kapansin pansin.
May pagkadaldal , pagkakulit , at pagkabaliw (siyempre kapag barkada
lang ang kaharap ).
Gustong gusto ko ng laging nakiki hang out's sa mga barkada ko.
Know why ? Kasi hangga't maaari ayokong nagtatagal sa loob ng bahay.
Puro nalang kasi hiyaw at sermon ang naaabutan ko sakanila.
Yun bang lagi ka nalang ikinocompare sa iba ?
Yun bang laging mali mo nalang ang nakikita nila ?
Minsan nagsasawa narin ako sa buhay na meron ako ,
pero ano nga bang magagawa ko kung ganito talaga ang nakagisnan
ko sa buhay ko ?
Itinatak ko nalang sa sarili ko na gagawin ko nalang inspirasyon lahat ng
nangyayari sa buhay ko. Kapag sinermonan ? Pasok nalang sa Kanang
Tenga labas sa kaliwa. Ganun lang yun , gusto ko mang dibdib'in pero
ayoko kasi wala din naman akong mapapala eh.
Ako yung taong tahimik lang sa loob ng bahay pero kapag nasa
labas ng bahay kasama ng barkada , ibang iba talaga ako , kaya
naman ganun ko kamahal ang barkada ko.
(Walking alone)
9 AM pa ang usapan naming magbabarkada pero mas maaga na
akong pumunta sa tagpuan namin. Gusto ko muna kasing mapag isa.
Hindi parin kasi nagtetext si Kent eh.
* *
Si kent pala ang Boyfriend ko , kaka 1 Year lang namin kahapon.Sobrang laki ng pagbabago sa buhay ko nung makilala ko siya.
Ang swerte ko nga sakanya kasi nakatagpo ako ng lalaking tulad
niya na alam kong mahal na mahal ako. At hinding hindi ko na
sasayangin yun.
- - - - -
Naupo muna ako sa may swing dito sa park habang hinihintay
na dumating sila. Kinuha ko ang headset sa bagpack ko
para magpatugtog at para di mabored habang hinihintay sila.
Pinatugtog ko yung Perfect Two na song kasi yun ang pinakafavorite ko.
