Twentieth Dive

231 12 0
                                    

Meriedeth Salazar

Umahon ako sa pool at tiningnan ang scoreboard.

4 2 Meriedeth Salazar EEHS
5 1 Savannah Torrington CNHS

I heard cheers from the bleachers. Napatingin ako sa ibang contestants na kasama ko, paalis na sila ng venue.

Napabuntong-hininga ako, I grabbed my physical education uniform and went inside. Tinanggal ko ang cap at goggles ko.

"Salazar!" I heard someone called me, it was Shelanie, nakasunod sakanya si Eryx at Rovic.

Lumapit sila sa akin, Shelanie gave me a hugged.

"Ayos lang 'yon, Salazar. You did great—"

"Great?" tiningnan ko siya.

"You did your best, yung iba pang huli, you're in second place. Hindi madali ang place na 'yon. Meron namang next time, e. Kahit na second ka, ikaw pinaka maganda ang form ng dive—"

"Dive? I messed up my timing, Shelanie," inis kong sabi.

"She's trying to cheer you up, Shark girl," sabi naman ni Rovic.

"We all know I messed up from the beginning, alam kong nakita niyo 'yon. No need to sugar coat your words, tsk. Just leave me alone," nilagpasan ko sila.

Narinig kong tinawag pa ako ni Shelanie pero hindi ko siya nilingon. Ayokong makipag-usap kahit kanino ngayon. Nagbihis ako sa comfort room, inilagay ko sa plastic bag ang swimsuit ko. Kinuha ko bag ko mula sa locker room at isinuot ko ang hoodie ko.

I feel like shit.

Pamilyar yung boses na tumawag sa akin kanina. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon, pero hindi ako sigurado.

Nakailang buntong-hininga na ako, nandito ako sa likod ng building. May maliit sila na garden na nandito at maraming puno, nakakarelax, pero bullshit.

Bullshit talaga yung tumawag sa akin.

Fuck.

Why did I got distracted?!

Teka, bakit ba ako nagagalit? In the first place, hindi naman importante sa akin kung mananalo ako o hindi...

Ah, just fuck it.

Nanlalabo ang paningin ko, napahawak ako sa mata ko. I'm crying. Bullshit na pakiramdam 'to. I hate this, ang panget, sobrang bigat sa dibdib.

Halos isang buwan kami nagtraining at second place lang ako.

Wala akong magagawa sa results kasi, 'yon na 'yon.

I just need to improve para susunod na taon, para maging mas magaling pa ako.

Fuck. Ilang buwan pa akong maghihintay!

I never felt this frustrated before.

I feel so stupid.

Nakakawala ng gana, sobra. Sumandal ako sa puno na nasa likuran ko. I hugged my knees.

Gusto kong sumigaw.

Gusto ko isigaw ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.

Wala akong karapatan para magreklamo dahil in the first place, I messed up! Ako ang huling tumalon sa tubig habang sila ay lumalangoy na.

Yes, I was able to catch up but it wasn't enough!

Pangalawa.

Second place.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon