Chapter 32
May mga ilang pagkakataon pa na nakakasalubong namin sina Casper at ayun, dedma lang kami... ako. Si Cody nga lang ata pinapansin niya eh, tungkol pa ata sa acads and some extracurricular activities. Active kasi ang dalawang ito sa mga ganyang bagay. Should I join the school's org too? Man, I don't like that kind of stuff.
Hindi ko rin siya nakikitang may kasamang ibang tao bukod kay Atasha. Buti naman. Gusto ko nga siyang tanungin kung man-hater ba siya kaso hindi naman kami close.
"Nanalo kayo?" tanong ni Sarah habang nasa quadrangle kami at nagf-flag ceremony. Katatapos lang ng exercise at announcement na lang ng Principal.
"Oo," si Cody.
"Ia-announce ata ngayon na nanalo sila," singit ni Zion.
Tinawag sa harap sina Cody at Casper. They won first place in the quiz bee. Duo pala iyon akala ko individual contest. Tangina, swerte naman ni Cody.
"Madali lang ba questions doon, Cods?" tanong ko kay Cody nang makapasok na kami sa classroom.
"Mahirap pero nareview naman namin iyong ibang tanong."
"'Di ba makiki-contest ka rin next month pero Math Quiz Bee naman?" singit-singit talaga si Sarah. Tsk.
"Oo."
"Sino kasama mo?" though parang may ideya na ako kung sino.
"Individual na iyon, pero tatlo ata ang kukunin na quizzer. Baka si Casper ulit 'yong isa," ani Cody. Parang nabuhayan ako ng dugo nang marinig ang pangalan niya. I was about to speak when Sarah spoke again.
"Kai, sali ka na! Magaling ka sa Math 'di ba?" tiningnan niya si Kai. Umiling si Kai.
"Eh?! Tinuruan mo ako dati eh..."
"Mas magaling ako sa kanya sa Math..." mayabang kong sabi. Kai rolled his eyes but later on he agreed.
"Baka ka-klase rin nila Casper ang magiging isang quizzer."
"Gago, ano bang utak meron kayo? Bakit ang unfair? Magaling na nga kayo sa Science pati sa Math easy lang sa inyo! Siguro no'ng nagpaulan ng katalinuhan ang Diyos nag-swi-swimming kayo ano?" si Thirdy.
"Si Thirdy kasi busy nakikipaglandian kaya 'di nabiyayaan," natatawa kong sabi.
"Tama! 'Di siya nainform na may biyaya. Puro kalandian kasi nasa isip!" Sarah added. Thirdy didn't comment anymore. He just smirked and shrugged.
There are times I really wanted to talk to her kahit na Hi o Hello man lang. Sabi ng mga kaklase ko nakakatakot daw siya kasi palagi nakasimangot... at mukhang masungit. Eh ano naman ngayon kung masungit siya? Bakit ako matatakot? Hindi naman ako takot kaso nahihiya lang at baka... iwasan niya ako.
BINABASA MO ANG
When You Smile (Engineering Student #3)
RomanceTrust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasaktan si Mama at ang nagiisa kong kaibigan. Saksi ako kung paano nakasira sa isang tao ang pagmamahal. Kaya naman, tinatak ko sa isipan ko na...