#SIC C-09
"Dad called," pagbaling sa'min ni Brave matapos niyang sinagot ang tawag.
Umupo ulit siya sa carpet at muling pinagtuunan ng pansin ang binabalot niyang regalo. Abala kaming tatlo sa pagbabalot ng mga regalo at buong magdamag lang kaming nakaupo sa carpet ng sala.
"Ano raw sabi?" Tanong ko habang nagsa-scatch tape ng christmas wrapper.
"Sa bahay daw tayo magcelebrate ng noche buena."
"Okay, uwi nalang tayo dito 'pag 26."
Tumango silang dalawa sa'kin. Buong umaga naming binalot ang mga regalong binili namin at buong maghapon rin kaming pumunta sa mga bahay ng mga pagbibigyan namin ng mga regalo. Halos lahat yata ay naihatid na namin, 'yung regalo ko nalang kay Hermes ang hindi ko pa nabibigay. Hindi ko naman kasi alam kung taga-saan siya, pero dadalhin ko 'to palagi in case magkita kami bigla-bigla.
Nang makauwi kami ay palubog na ang araw kaya naghanda nalang kami para pumunta sa bahay nina Brave. Nagbihis ako ng simpleng polo at maong na pantalon. Nasa Cebu na rin naman kasi ang mga panglakad ko kaya ang mga karamihang nandito lang sa condo ni Brave ay ang mga pambahay ko, ubos na rin ang mga panglakad kong damit na dinala ko dahil hindi pa ako nakakapa-laundry ulit.
Lumabas ako sa kwarto matapos magsuklay ng buhok. Nakaupo na sina Apollo at Brave sa sala at nang narinig nilang bumukas ang pinto ng kwarto ko ay agad silang tumayo at bumaling sa'kin.
Pero kumunot ang mga noo nila nang nakita ang suot ko.
Kumunot rin ang noo ko nang nakita ang suot nila.
Ba't naka-tuxedo ang dalawang 'to?
"Arus, pupunta tayo sa bahay para sa Christmas Eve, hindi tayo mamamalengke," may halong pagtitimpi na sabi ni Apollo.
"Wala akong tux dito, nadala ko sa Cebu. Akala ko rin naman kasi pwede na 'to? Ba't ba naka- tuxedo pa kayo?"
"Boring mo talaga minsan. Hindi ka ba nagbasa ng mga text? Finorward ni Brave na big gathering dahil nando'n ang mga pamilya nating tatlo at iba pang mga malalaking tao, they all agreed to wear formal clothes."
"Gago, may extra ba kayo? Pahiram naman."
Siniko ni Apollo si Brave. "Pahiramin mo na."
Bumuntong-hininga si Brave at diretsong naglakad papunta sa kwarto niya, sumunod naman agad ako. Pumasok siya sa kanyang walk-in closet tsaka lumabas na may hawak na tuxedo.
"Kasya ba 'to sa'yo?" Tanong niya habang hawak-hawak ang tuxedo niyang naka-hanger.
"Oo, thank you!"
Agad kong kinuha ang tuxedo niya at pumunta sa kwarto ko para makapagbihis. Nang lumabas ako sa kwarto ko ay naka-tuxedo na kaming tatlo.
"I still have to get Sylvia, mauna nalang kayo," wika ni Apollo nang nakarating kami sa basement. Nakaparada ang sasakyan niya sa tabi ng kay Brave kaya ako lang ang makikisakay sa sasakyan ni Brave.
"Just show your IDs sa guard ng subdivision," Brave reminded. Tinanguan lang siya ni Apollo tsaka lumiko na sa kabilang daan.
Tahimik lang ako habang nasa byahe at ganoon rin si Brave. Nang nakapasok kami sa subdivision nila ay chineck ko sa side mirror ang mukha ko.
Baka may dumi, mahirap na.
Tumigil si Brave sa parking lot ng bahay nila, marami na ring mga sasakyan ang naka-parking roon.
"Let's go?" Tanong niya matapos ini-change ang gear patungong parking. Pinatay niya ang makina nang tumango ako at sabay kaming lumabas ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
RomanceMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...