Dedicated to: Bsolvent Noontime_Nap made_in_boracay _alfielieserl Zipazipsss Joyceeeee97
Episode Title:
"Two Petals of Blue Rose"
Mitch's POV
"Saan kayo nanggaling?"
Nakamuwestra ang kamay ni Scarlet sa kanyang baywang, mahinang pinapadyak ang mga paa at maigi kaming tinitignan.
Nasa gitna namin si Eddie. We just told him a GREAT lie.
Tinapik-tapik namin siya sa balikat bago nagdesisyong umupo sa sofa. Iniwas ko ang tingin kay Scarlet. Alam ko ang mga ganyan niyang tingin. She wants me to tell her something. The TRUTH.
Nandito kaming lahat sa bahay. Hindi ko na alam ang nangyari kanina matapos umulan. They probably also run like hell. Dito lang naman ang pinakamalapit na silungan, at kila Nick.
Pagkatingin ko sa kaliwa ay nadatnan ko si Angelo na nagpapasalamat sa mga kasambahay. Inabutan siya ng tuwalya. Si Lewis naman, nasa tapat ng aircon, nagpapatuyo ng buhok.
"Hindi kayo sasagot?" Tumaas ang isang kilay ni Scarlet. Dagliang tumayo si Nick at iniwan ako sa hotseat. Si Eddie naman ay mabilisang sumunod sa kanya.
"Anong nangyari, Mitch?"
Umiling ako't hindi siya pinansin.
Nick's POV
"So titigil na kayo sa pag-aaral Nick?"
Sandali akong natigilan at binawi ang kamay sa handle ng ref. Napakamot ako sa isang kilay.
"Parang gano'n na nga..."
Napatakip ng bibig si Eddie. Paniwalang-paniwala siya.
"S-So... magiging ninong na ako?"
Ipinatong ko ang hintuturo sa labi, nakakunot siyang pinagmasdan. Ang daldal niya talaga. Buti na lamang ay nakaisip agad si Mitch ng kasinungalingan.
Napatakip muli si Eddie. Tumalikod ako't at napailing.
Pero napakadelikado ng sinabi ni Mitch. Maging ako'y hindi makahinga nang aminin niyang buntis siya saakin... at matagal na kaming nakahingi ng blessing kay tito Luther. Ay, bahala na.
Binuksan ko ang ref at dinukot sa freezer ang box ng Selecta. Nagtaka ako sa nasilayan.
"Oh, ba't may ice cream sa lalagyanan ng isda?" Nalaglag ang aking panga. Tinapik-tapik pa ako sa braso ni Eddie, pinipigilang humagikgik.
"Seryoso? Cookies and cream? Mga lapastangan! Na saan ang isda?!"
Kapagkuwan ay naramdaman ko ang presensya ng may ari ng bahay. Nakataas ang kilay niyang pinagmamasdan kami ni Eddie.
Habang kumukuha ako ng platito at kutsara, kita ko ang paghawak ni Eddie sa kamay ni Mitch. Nalusaw ang kasungitan ni Mitch.
"Mitch... masaya ako para sainyo." Sandali akong sinulyapan ni Eddie. Namilog ang mga mata kong sumubo ng ice cream.
"Susuportahan ko kayo hangga't kaya ko. Sabihan niyo lang ako. Ako na ang mag-aanounce sa buong grupo natin." Hinaplos niya ng bahagya ang tyan ni Mitch. Napaubo ako. Namimilog ang mga mata ni Mitch, nagtataka sa inaasta ni Eddie. She should act better. Siya may pakana dyan!
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
Ficção GeralWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage