© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-05-2018)
-----
NASA CLASSROOM kami. Naghihintay sa susunod na klase. Natapos na ang Science namin. Sunod naman ang Aralin Panlipunan. Buti pa nga at Tagalog pa eh, mahirap kaya kapag English.
While we're waiting for the next teacher, napansin ko si Gabby. Magaling pala siyang mag-drawing, lalo na ang anime, favorite ko pa naman 'yan.
Babae ang dino-drawing niya. Teka, parang kamukha ko, mahaba ang buhok tsaka mestiza ang mukha. Waaw! Siguro crush niya ako noh! Balak kong magtanong kung ako ba talaga 'yan. Waw... assumera!
"Gabby, ang galling mo palang mag-drawing no?"
Napakunot siya ng noo, at halatang nagulat siya nang tinanong ko. Ahh, nakakahiya.
Napansin kong, inalis niya ang kamay niya sa papel, at natuklasan ko rin kung sino 'yun. Si Karen pala, 'yung sinasabi niya noong first day ng klase. Pero eto ha, kamukha ko talaga siya, at ako pa rin ang mas maganda!
Carried away for a while, napansin kong may pumasok na sa classroom namin. Marahil teacher na namin yun sa AP. Ah, siya pala 'yun... TEKA!! Sabi sa sched si Mrs. Guarana ang teacher namin sa AP, BAKIT LALAKI?!
Mali bang klasrum ang napasok niya? Napanganga kami ni Abby, mali ba ang buong akala namin, o siya 'yung bagong teacher namin.
Napatanong ako kay Lianne, "Lianne, mali ba ang napasok ng lalaking 'yun?"
"Hindi, sinabi kaya ni Ma'am Dimaculangan na teacher na natin siya sa AP, si Sir dela Rosa ang teacher natin sa AP. Ngayon niyo lang ba alam?" sagot niya. "Nagtatalunan pa kaya kayo noon nung sinabi ni Ma'am yun."
Biglang sumapol sa isip ang ang kalokohan namin ni Abby... wait lang...
"Hoy, Abby. Hindi kaya 'yun 'yon. Iba ang sinasabi mo, hindi siya 'yun!" paglalaban ko kay Abby tungkol sa favorite niyang artista. 'yung bida kasi sa isang sikat na telenobela.
"For your info, mali ka. Si Bryan Fuentes ang bida doon, si Leo Ruiz ang kontrabida," sagot pa ni Abby sakin. Talagang may pinaglalaban siya.
Hindi kami pinapansin ni Lianne, nakikinig lang sa guro. Time kasi 'yun ni Ma'am Dimaculangan. Malay ba namin kung anong sinasabi, kasasabi lang kanina na may kinuha siya mula sa faculty room. Hindi naman namin namalayan na nakabalik na pala agad. Wala kaming kamalay-malay sa mga sinasabi. Buti at hindi kami nahalatang nagtatalunan.
"Pero, mas guwapo si Bryan!" paglalaban ko, nakataas pa ang kilay ko.
"No, its Leo!" sagot naman ni Abby.
"Bryan!"
"Leo!"
"No, si Bryan 'yun!!!"
"Pero, sulit pa rin kay Leo!"
"Whatever!" nagtampo na agad ako.
"Loser!!!"
"Oh, ano? Yan ang napala ng hindi nakikinig!" parangal ni Lianne samin dalawa ni Abby. Tsaka, ang face ng teacher ngayon ay ngayon ko lang nakita, Marahil new teacher siya dito. Matanong nga para sigurado.
"Lianne, bagong teacher ba natin 'yung lalaking 'yun?" tanong ko sbay nakaturo sa teacher namin.
"Oo, he's Mr. Wendell dela Rosa. Bagong teacher and ang bagong GUIDANCE COUNSELOR dito sa Alumina High!" sagot sakin ni Lianne.
"Ah, siya 'yung bagong teacher!!!" sabay kaming pahayag ni Abby.
Ayos! Cool ang teacher namin, gwapo pa. Siguro mabait naman siya. Mababait naman ang mga taga-guidance 'di ba? Kapag strikto lang 'yan... Patay!
Naupo na kaming lahat sa klase, ready nang makinig. Nagsimula nang magsalita ang guro namin sa AP. Nanahimik kaming lahat, at nakikinig lang.
"Good morning class, I'm Mr. Wendell dela Rosa, twenty-two years old, taga-Binan sa Laguna," pakilala niya samin as he write his name on the board. "Graduate ako ng BS Psychology sa Laguna College. Panganay sa magkakapatid, mapagloko, at single!"
Hiyawan kaming lahat sa klase sa sinabi niyang iyon.
Ah, ibang klaseng course ah... ngayon lang ako makaita nung ganung grumaduate. Hindi naman pala siya strikto kesa sa iba kong nakilalang guidance counselors, lalo na sa dati kong pinasukan.
Habang nakikinig kami sa sinasabi ni Sir dela Rosa, bigla akong napatingin kay Vhin, his eyes are shining. Ano na naman bang punasok sa utak ni Vhin para mag-twinkle ang mga mata niya? Don't tell me na like niya si Sir? Basta bakla e...
Bunalik ang sulyap ko sa unahan at nakikinig kay Sir.
"Class, eto ang mga rules at regulations ko. Una, ayoko ng maingay, ayoko ng bastos. Pangalawa, ayoko ng may madumi na klasrum, may nag-aapura kapag nagkaklase ako, at may nakikisabay sakin habang nagsasalita. Tandaan niyong mabait ako sa mabait, masungit ako sa mga pasaway. Pala-biro din naman ako, huwag niyo lang akong galitin, maliwanag?"
"Opo, Sir!" sagot naming lahat sa klase.
Sunod niyang ipinakita ang libro namin na gagamitin sa buong taon. Medyo makapal ang libro. Araling pang-Asyano na kasi ang lecture namin, kesa last year na kasaysayan ng Pilipinas. Exciting na rin ang year na ito, dahil madi-discuss dito ang kasaysayan ng South Korea. Favorite kong bansa 'yun sa whole Asia. Saka na rin ang iba pang gamit na kailangan namin. Kailangan namin ng notebook, mapa ng mundo, Filler notebook para sa quiz, portfolio ng mga magasin na ibibigay kada quarter. Sosyal 'di ba? Exciting!!!
"Tapos na ako, kayo naman ang magpakilala!" patuwang sabi ni Sir. Isa-isa na rin kaming nagpakilala, noong ako na...
"Transferee ka dito, Alliana Gonzaga?" tanong niya sakin.
"Opo," I answered.
Nakatingin lang siya sakin at, "Ang ganda ng transeferee niyo!" napatawa sina Lianne, Abby at Vhin sa sinabi niya. "Maganda pa ang hair mo!!"
Waaha? Inggit ba siya sa hair ko, is he a gay? Juice colored!
"Magkapareho kasi kayo ng buhok ng younger sister ko. Kahawig mo na eh!" patuloy pang papuri ng teacher ko sakin.
Sa sinabing 'yun, napatingin si Gab sakin.
"At saka, 'tong katabi mo ah, gwapo! Bagay na bagay kayo!" kantiyaw pa samin, natawa pa lalo ang mga kaklase ko. Ay, talaga naman po sir, nakakainsulto na po kayo.
"Gabby Ledesma ba name mo?" paintrigang tanong ni Sir kay Gab.
"Opo, sir—"
"Ay, Marami naku-kuwento sakin si Ma'am Daisy tungkol sa'yo. Heart throb ka dito sa school, varsity player ka pa. Kung naging advisory class ko lang kayo, masuwerte ako!"
"Opo—" natawa na rin si Gab.
"Ang cute-cute mo talaga!!" pa-idol na sabi pa ni Sir habang pinipingot ang tenga niya.
Napatawa pa kami lalo, OA na nga si Vhin sa may bandang dulo eh. Sabi pa ni Vhin, notice me oppa!
Tuloy naman niyang kinantiywan ang mga kaklase ko. Si Lovely daw, kahit mataba, maganda parin. Si Chelsea naman, inaasar na maliit, at di pa naniniwla si Sir na matalino talaga tong si Chelsea. Tapos si Andrei, sunod si Hanna, at siyempre pa si Vhin. Naniniwala siyang di siya bakla, natuwa naman ang bakla...
"At dahil kayo ang pinakamagaling section sa buong AH, inaasahan ko na magiging maganda ang takbo ng school year ko, kasama kayo. Nauunawaan?"
"Opo!" sagot naming lahat.
Tuloy-tuloy pa rin ang discussion. Unang impression ko kay Sir, Masaya siyang magturo, pero nababaklaan ako. Siguro naman, maganda ang takbo ng school year ko, kasama ang baklang teacher ko.
After a millions of seconds...
"Okay, tapos na, goodbye class!" pagpaaalam niya.
"Goodbye, sir!" pasimpleng goodbye namin kay Sir. Lunch na rin. Kainan time!!!
Waw ha... Alumina High is great... just great!
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...