Nagising ako kinaumagahan,gagalaw palang sana ako ng may nakadagan saking parang malaking bagay,napatingin ako dito sa katabi ko.
nagulat ako ng bumungad saking mala anghel na muka,matangos na ilong at mapupulang labi,napatikhim ako ng parang magnet ang labi niya.napalabi ako ng unti unting lumapit ang muka ko sa labi niya.
nagulat ako ng napadilat siya.nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang batok ko at siilan ng halik.
"hmmmpp!"tanging ungol ko,habang pilit na inaalis siya sa ibabaw ko.
"good morning ella" nakangiting sabi niya,natameme ako ng ngumiti siya,para namang pinamulahan ako ng muka,dahil ang gwapo niya,ngayon palang ako nakakita ng ganong ngiti.
"baka matunaw ako," saad pa niya,kaya napaiwas ako ng tingin.umalis siya sa ibabaw ko,hindi parin ma proseso ang utak ko dahil sa ginawa niya.at first kiss ko yon!
napatili ako ng pangkuin niya.
"b-bakit moko hinalikan?" Agad na sabi ko sa kaniya,kaya napatigil siya.ibinaba niya ko sa cr at pinasok sa loob.
tiningnan niya ko ng seryoso,kaya kinabahan ako,parang kapag nagseryoso siya ay para ka nalang bubulagta sa harap niya.
hinawakan niya ang muka ko,at ngumiti kaya naging panatag ako.
"nothing,tandaan mo ako lang ang hahalik sayo,ella nasa poder na kita ngayon kaya hindi kana makakawala pa,alam mobang matagal na kitang minamanmanan" aniya,kaya napalunok ako hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
napahampas ako sa kaniya,ng halikan pa niya muli ako.
"mag ayos kana,ng makakain na tayo." Aniya at tumango nalang ako.lumabas na siya kaya napahawak ako sa dibdib ko.
napailing nalang ako at dalidali ng nag ayos,naghilamos muna ako at nag toothbrush,may nakita kasi akong hindi pa bukas,kaya iyon nalang ang ginamit ko.
napahawak naman ako sa tiyan ko ng biglang,sumakit ang puson ko.
kaya napapikit ako,baka ngayon ang mentration ko.
tiningnan ko naman ang panty ko,at tama nga.kaya kumuha ako ng panty,kung meron mang extra.ngunit napatampal ako ng wala nga palang pambabaeng damit,na nandito puro panlalake.
napatingin naman ako sa pangupo ko kung may tagos na ,nakita kong meron ng konti .
"bwisit naman!"inis na singhal ko.bakit kasi ngayon pako dinatnan!
kaya wala nakong nagawa kundi lumabas na,bibili nalang ako ng napkin.
"miss hinihintay kana ni lord" nagulat ako ng may bumungad saking matanda,napangiti ako dahil siya yung matandang nakita ko nung una akong nakatungtong dito.
"l-lola"
"ella,san kaba-?"
hindi kona pinatapos ang sasabihin ni cuervo,Ng hinila ko ito kung saan,nakilala ko na din siya dahil minsan na siyang tinawag ng isang lalaki,hindi ko lang ito nakilala dahil pinapasok nako sa kwarto nito.
napaasik naman ako bakit,siya pa ang nahila ko.
"hey,what happen?" Tanong niya,matangkad siya sakin,piling ko ay nasa 30's na siya.
"H-ha ano kasi.."
"what?"
"A-ano,pahingi ng pera bibili ako ng napkin" napapikit ako ng sabihin ko iyon sa kaniya,napatingin ako sa kaniya,ng gulat ang muka niya at namumula din siya.
"w-what?" Aniya,kaya napairap ako,naiirita ako sa kaniya.
"tsk.bibili nga ako!"inis na sabi ko sa kaniya,at tumalikod na,hindi pako nakakailang hakbang ng may pumulupot sa bewang kong isang jacket.
"i see.may tagos ka" piling ko lumagpas ang dugo ko sa buong muka ko.kaya napalunok ako.
pinangko niya ko kaya napahawak ako sa leeg niya.
dinala niya ko sa dinning at pinaupo sa kandungan niya,kaya nagulat ako ,ambang aalis ako ay hinigpitan niya ang pagkayakap sakin.
Tumaas ang kamay niya kaya senyales na may pinaguutos siya.may lumapit na isang katulong at yumuko ito,naiilang ako dahil yakap yakap niya ko.
"ibili mo ako ng napkin,any brand,bilis!" Aniya kaya hinampas ko ang bibig niya.
"what!?" Inis niyang sabi kaya matalim ko siyang tiningnan.
"kung nakapag utos ka!kala mo hari ka,magutos ka kaya ng maayos,hano!" Sabi ko pa sa kaniya,kaya namutla naman ang ilang katulong,nagtaka naman ako at tiningnan sila,pero nag siyukuan naman sila.
"katulong sila kaya,dapat lang na utusan ko sa sila,okey?" Malambing na sabi niya,kaya napairap ako,inalis ko ang kamay niya at tumingin ako sa katulong.
"ate sorry,sa inasal ni cuervo.samahan mo nalang ako ,tayo nalang ang bibili" agad na sabi ko sa kaniya.
"hell no!siya na" tinabanan ako ni cuervo sa braso pero hinawi kolang iyon.
"tsk.fine sasama nalang ako sayo," napatingin ako sa kaniya,ng sabihin niya yon.
"okey si ate nalang ang bibili" sabi kopa kaya napamaang siya.
"okey,kung ganon naman pala,let's eat" sabi pa niya,kaya lihim akong napatawq ,ang sarap niyang asarin.
"sasamahan ko nalang pala si ate" sabi ko pa kaya nakita kong nainis na siya.
"what?"
"sasama nalang ako sa kaniya.."
"fuck!fine ako na ang bibili ,ikaw sumama ka sakin" napamaang ako ng sabihin niya yon,at hinawakan ako sa bewang ,at sabay kaming lumabas.hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi niya.
"tsk." Asik niya ng makapasok kami sa kotse niya,siya rin ang nag drive.seryoso lang siya kaya kinabahan ako.
pagdating namin sa isang store ,ay ambang bababa ako ay pinigil niya ko.
"stay" aniya kaya napalunok ako at napatango,siya na ang lumakad papasok.
lihim naman akong napatawa ,dahil ang sarap niyang asarin.
natigil lang ako ng lumabas na siya,pulang pula ang buong muka niya.
napamaang ako ng makita ang dalawang plastick na hawak niya.
"t-teka,bat andami naman niyan,isa lang kailangan ko"
"hindi ko alam ang brand,kaya nilahat kona,pero sabagay baka hindi muna magamit ang mga iyan,sa susunod" ngising sabi niya,at nilapit ang muka niya sakin.
napapikit ako kung anong una niyang gagawin,pero natigilan ako ng mag click ang seatbelt.
"seatbelt," ngising sabi niya,kaya hinawi ko ang muka niya.
napailing siya at nangingiti ,yung ngiti niya ay parang nang iinis pa.
"wag ka ngang ngumiti!"inis na sabi ko sa kaniya.
"what?"tatawa tawang sabi niya,kaya napasimangot ako.at sinabunutan siya.
"Fuck,stop it!baka mabangga tayo" aniya habang pilit na inaalis ang kamay ko sa buhok niya.
"nakakainis kasi yang ngiti mo,arghh!" Sabi ko sa kaniya,at binitawan ang buhok niya.
"Grabe,ang hirap pala kapag may redflag ka"sabi niya,hindi ko nalang pinansin iyon,at tumingin nalang sa bintana.
lihim akong napangiti dahil parang lumalakas ang tibok ng puso ko habang papalapit siya.