Alam kong sya ang nauna
At alam kong mahal mo sya
At ako ang umaasa
Na mamahalin mo din diba?Ngunit hanggang kailan
Maghihintay sa kawalan
At patuloy masasaktan
At sa paghihintay ay mauuwi lang sa luhaanAlam kong mas mahal mo siya
Ngunit bakit mo pa ako binigyan ng pagasa
Na pag ibig ko sayo ay may pag asa
Ngunit sa huli ako rin pala ang magdurusaMagdurusa dahil sayo
Sayo ko ipinaramdam ang pagmamahal ng totoo
Totoo at walang halong biro
Biro, biro lang pala ang lahat sayoKaya kahit masakit sakin
At kahit sobrang sakit sa damdamin
Aking tatanggapin
Sapagkat ako ay kaibigan na di kayang ibigin______
Thanks for readingDarknessryl 💎