Nagpalit na kami ng swim wear dahil tapos na yung thirty minutes break at mag uumpisa na kaming mag stretching ulit, iba naman yun nung nag jogging iba din to, yung stretching na ito ay para di ma pulikat o mabaguhan yung katawan namin.
Isang one piece swim suit yung suot ko, hindi yung bikini ha hanggang sa above the knee yung haba nito.
The stretching finally started, happie lead the counting and we follow.
Nang matapos na eh meron pang warm-up sa tubig dito tinuturo yung mga proper gliding and flapping, dito din tinuturo yung basic style ng swimming, and diving as well.
Nang magtampisaw ako sa tubig eh parang ayaw ko nang mag training amputcha ang lamig letche. Napatingin ako sa gawi ng iba at ganon din sila mga naka ngiwi, tsk.
Dapat pag gantong malamig yung tubig hindi na nag tatampisaw eh, dive agad para one shot nalang yung lamig, style yun.
Nagdive na'ko at sumunod naman si happie.
"Hapoy ang lamig gago" sambit ko
"Shet oo nga!" Sabi nya na parang nanginginig
Yung iba ayaw pang mag dive kaya tinulak nalang.
Nag umpisa nag kaming mag turo sa mga baguhan ng mga basic style at diving naman yung tinuturo ni coach sa kanila, actually hindi naman sila mahirap turuan, may mga background na din kasi sila ng swimming noon siguro?
Tuloy-tuloy ang training namin hanggang sa natututu na sila, di pa namin sila binibigyan ng exact stroke na i-tra-train nila dahil bukas pa iyon. At di na rin malamig kasi nasanay na katawan namin sa tubig.
Mag a-alas dose na ng umahon kami para mag lunch sakto dumating yung mga boys, pinagalitan sila ni coach tas tawa lang ng tawa captain nila buang eh, kaya ginagaya sya ng teammates nya, tsk tsk.
Pagdating namin sa gazebo kanya-kanya kami'ng suot ng damit kasi malamig, habang ako sinout ko yung hoodie sa itaas ng duffle bag ko.
"Cap! Kamusta training" natatawang sabi ni daphe, team captain ng boys. Gago...
"Mama mo cap, ba't ngayon lang kayo? Alam kong nag cutting classes kayo. Twenty laps daw kayo mamaya, bahala kayo" sabi ko
"Unfair! Grabe anong pinagsasabi mong cutting classes eh present nga ako kanina tas nag aaral ng mabuti" singhal nya
"Edewao reason ampota, jan kana nga!" Sabi ko sabay tayo para tumabi kay happie, si happie yung pinaka close ko dito kasi simula grade seven nag swimming na kami hanggang ngayon.
Uminon ako ng tubig ng mag salita si happie
"Sha may test daw tayo kanina, sabi ni mikmik"
"Ay weh, exempted ba tayo?" Minsan kasi hindi
"Oo daw sabi mikmik, nakita daw ni ma'am yung letter sa table na may pirma ni coach" natatawang sabi nya
"Ay yes"
"Kain na yung girls tapos yung boys naman stretching, pagkatapos non twenty laps kayo bilis! Galaw galaw baka pumanaw" sigaw ni coach