[Chapter:12]Araw ng linggo at kailangan kong pumunta sa Faculty room para makapagdiscuss si Sir K ng mga gagawin namin para sa contest. Nakaligo naman na'ko at nakapagayos dahilan para magising ng maaga ang mga kaibigan ko.
"Sure ka? 8am? For that?" Tanong sa'kin ni Anne habang ngumangata ng tinapay na kinakain niya sa sala.
"Oo nga, may kasabay kana ba?" Tango tango rin sa'kin ni Mae na ngayo'y nagsalin ng kape sa tasa ko... Oo naman! Bakit parang hindi kayo makapaniwala? Dapat lang na maaga kasi may mga taong pupunta rin sa faculty mamayang tanghali.
"Yup, kaya kayo... Baka pwedeng pasabay ng mga labahin ko sa laundry shop para malabhan na kasi wala akong damit bukas" ngiti ko sa kanila at may pa-cute effect pa dahil baka ma-late pa'ko ng dating kapag inuna ko ang paglalaba.
"Oo naman, kaso? Bakit parang bihis na bihis ka ata" tukso naman nila sa'kin ng mapansing nagaayos ako ng buhok ko at naka-white dress pa'ko ngayon with matching red rose na headband.
"Masama ba magayos paminsan minsan?" Ngiti ko sa kanila dahilan para magtilian ang mga lokreng. Anong akala niyo sa'kin?
"Woshoo, wag kami! Magdadate kayo ni Sir K after noh?" Ngiting tugon ni Anne habang hinahampas hampas na ang braso ko. Kiniliti naman nila ako dahilan para masanggi nila ang lipgloss na hawak ko at malaglag sa sahig.
"Ayan kasi!" Pangaawat ko naman sa kanila at agad na dumungaw sa baba, ngunit nakita ko namang dinampot na ito ng isang kamay. Hays, hindi ko na nga ito nagagamit simula ng sumalampak kami sa impyernong bersiyon ng paaralan na 'to tapos may balak pa silang sirain?
"Oh lipgloss mo" rinig ko namang tugon ni Erick at agad naman akong napatingala.
"Ahhh salamat Erick, kape? Gusto mo?" Niyaya ko naman siya ng kape at agad na kinuha ang lipgloss ko.
"Thanks, San ka pala pupunta? Hindi ba't masiyado pang maaga? S-saka? Sobrang ayos m-mo ata ngayon?" Utal utal naman niyang sabi.
"Ahhh, may discussion kami about sa contest ngayong araw, aga mo naman ata magising?" Ginulo naman niya ang kaniyang buhok at umunat unat pa na parang bagong gising lang. Totoo naman, mukhang hindi pa nga siya nakakapaghilamos eh.
"Wala lang, narinig ko tilian niyo e" tawa niya pa dahilan para mapa-peace sign ako... Hindi naman namin sinasadya 'yun.
"Sorry ahh Erick, nagaayos kasi 'to para kay Sir K ngayon e" tawang tawa naman na sabi ni Lia habang inihanda ang tuwalya niya sa kaniyang balikat. Aba aba? Talaga lang ha?
"Ha? Bakit?" Takang tanong ni Erick kay Lia dahilan para kumaripas naman ito ng takbo sa C.R
"Ahhh wala hayaan muna yun" tawa ko naman at humigop na lang ng kape na binigay sa'kin ni Mae. Gusto ko na lang mabulunan ngayon.
"Pwede ba kitang ihatid? Papalit lang ako ng damit, sama na rin natin si Lia mabilis lang naman 'yan maligo" tugon niya naman dahilan para mapaismid naman ako. Sa bagay, ok na rin 'yun.
"Sige, para safe na rin... Salamat!" Sagot ko sa kaniya. Nagpaalam naman ako saglit para pumunta sa kwarto ng girls.
I need this! And this! To take down notes na rin. Malay mo? May tricks and bumbum si Sir K na hatid sa'min. I wonder where is Reigh na? Sana lang ay nauna na siya dun para naman hindi awkward kapag kaming dalawa lang ni Sir K.
"Cheska! Sama ako ah sabi ni Erick" nagulat naman ako ng may malamig na kamay ng humawak sa'kin dahilan para mapatili ako sa takot. Jusko! Si Lia lang pala na basang basa ang kamay sa lamig.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Mystery / ThrillerFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...