Chapter:13

38 3 6
                                    


[Chapter:13]


Nandito kami ngayon sa kusina ng dorm namin at kakatapos lang ng klase. Aaminin naman ni Erick ang nakita namin kagabi, at ang mga kababalaghan na nangyari at natuklasan namin. Ipapaliwanag na rin daw ni Erick at lilinawin lahat ng hindi niya ipinaliwanag ng gabing 'yun.



"Cheska? Ayos kana ba?" Narinig ko ang boses ni Erick ngayon matapos kong magising sa isang napakahimbing na tulog.

Nasaan ako? Nasa hospital bed pa ata ako ngayon ng clinic namin at mediyo masakit pa ang ulo ko. Ugh, what's just happened? Natatandaan ko lang ang-- No way! No way! Oo nga!

"Erick alam ko na na-" nagulat naman siya ng sumigaw ako kaya tinakpan niya ang bunganga ko. Nasa right side siya habang ang nurse na nagcheck naman sa'kin ay nasa left side. O-o nga pala, hindi ko pwedeng sabihin 'to sa kaniya ngayon.

"Just rest, sasabihin ko sa'yo... Sasabihin ko sa lahat" ngiti niya pa na may halong lungkot saka umupo sa katabing chair malapit lang sa kama ko.

I don't know what literally happened last night, basta... Nakatulog lang ako ng mahimbing saka nagising na lang ako rito, maybe sobrang pagod ko rin pero naalala ko lahat ng nangyari bago pa kami makapunta sa rooftop.


"Okay naman na siya, pwede na rin siya makapasok mamaya" ngiting sabi sa'min ng nurse at binigyan pa'ko ng gamot para daw mas bumaba pa ang lagnat ko. Nagkalagnat ako? Seryoso ba yan? Ang bilis naman mawala, Magic Clinic ba 'to?



"Bakit ba'ko nandito?"

-


"Nakatulog ka ng umuulan, hindi ko namalayan kasi napatagal yung pag yuko ko kaya naulanan ka at nababad ka pa, hindi mo naman kasi sinabi sa'kin na masama pala ang pakiramdam mo that time, sorry Eka" tinapik ko naman ang balikat niya saka humiga muli sa kama. Well, wala namang masama sa ganun. Kasalanan ko rin na masiyado akong nagpabugso ng damdamin nung gabi.


"Sorry rin" ngiti ko para naman guminhawa ang pakiramdam niya. Ayoko namang maging kontrabida sa autobiography ni Erick noh.


"Mamaya pwede kana raw makapagklase"


-

"Pwede bang magpahinga na lang muna ako? Saglit lang? Please isang araw lang" pagmamakaawa ko naman sa kaniya. Tinatamad din naman ako pumasok ng klase ngayon at mediyo masakit pa ang ulo ko.


"Absent ka muna? Ok lang naman ieexcuse ka na lang namin sa mga teachers natin" ngiti niya pa. Ano bang meron dito? Bakit ngiti ng ngiti?

"Maganda ata gising mo ah" natawa naman siya ng sabihin ko 'yon. Totoo naman ah, hindi pa nga matanggal yung ngiti niya kanina pa e.

"Ah wala lang, masaya lang ako" napayuko naman siya saka tumawa ng sandali. Anong meron sa'yo?

"Kukuha lang ako ng makakain natin" sagot naman niya saka agad na tumayo at binuksan ang pinto ng kwarto. Well, I guess may kasiyahan na naman akong naipadala. Pfft, wag mo ngang paasahin si Erick Cheska!

Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon