© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-05-2018)
-----
LUNCH BREAK na rin namin, at tambay ulit kami sa cafeteria. Kasama ko na rin si Ivan, with a condition. Pwede siyang makisalo sa pagkain namin without akbay, without any such-a-weird talk, at too much pa-cute sakin. Naiilang kasi ako kapag may lalaking ganyan ang ginagawa sakin. Buti na rin at sumang-ayon siya, hindi pala siya nagpupumilit ng babae.
Sabay-sabay naming nilabas ang pagkain naming apat. Beef steak ang ulam ni Vhin, sisig naman kay Lianne. Sinigang kay Abby, at pinakbet kay Ivan. Ang ulam ko naman, Patatim with a dessert na coffee jelly.
"Puwedeng humingi ng ulam mo, Ally," tanong sakin ni Ivan na katabi ko. Kami lang dalawa sa iisang upuan. Sa tanong ni Ivan, kinilig ang tatlo. Buwisit kayong tatlo, masapak ko lang kayo mamaya!
Eh, ako naman, kinilig din ng very-very light. "Sige, kumuha ka na!"
"Alam niyo, mamaya, lalanggamin na kayo diyan!" pakilig na sabi ni Vhin samin.
"Pambobola mo naman, bakla!" singit ni Abby.
Natawa kaming dalawa ni Ivan.
"Paki mo ba? Para kayang sila, tignan mo!" sagot ni Vhin, habang nakaturo siya saing dalawa ni Ivan.
Tumingin sina Abby at Lianne samin, nakangiti pa! "Oo nga noh!" sabay na sabi ng dalawa.
"Kuya, pa-sampol nga ng akbay kay Ally!" request ni Lianne kay Ivan. Ngumiti si Ivan kay naramdaman ko ang pagpatong ng kamay niya sa balikat ko habang nakain.
"Opppppss! Wait, may usapan tayo!" pananggi ko naman, as he remove his hand at my back.
"Ally, masyado kang OA! Alam mo 'yun?" sabi ni Abby, habang natawa. "Aakbay lang si kuya sayo, ayaw mo!"
"Eh, nakakailang kaya na may naka-akbay sayo!" sagot ko habang hinihiwa ang laman ng pata sa ulam ko. Palibhasa, hindi ako sanay.
"Sige na, ang sweet niyo kasi!" pagpupumilit ni Vhin.
My three friends are so pleasing na aakbayan ako ni Ivan. Hindi naman sa maarte ako pero hindi lang ako sanay na may naka-akbay sakin na lalaki. Iisipin nila na may syota na ako o whatsoever.
"Oo nga, Ally. Isang akbay lang naman, ngayon lang." nagpupumilit na rin ni Ivan. Are you playing this kind of joke? I can't take this anymore. "Malay mo Ally, I FELL MORE IN-LOVE WITH YOU!"
Kinilig ang tatlo, parang sila pa ang dapat kiligin kesa sakin. And I made a decision, "Oh, sige! Ngayon lang! One time lang din! Okay?"
Naghiyawan silang tatlo as he put his hand on my shoulder. Noong naramdaman ko 'yun, kinilig na ako. Medyo nagba-blush na hindi maintindihan. Si Vhin, nagdadabog pa sa lamesa. Naghawakan naman ng kamay sina Abby at Lianne sa sobrang kilig. Sabay napatawa na rin si Ivan, at tumingin sakin. Habang ako naman, kinilig na rin ako. I like this moment, this sweet moment with this guy, a small voice from my head said.
"Gusto mo rin pala eh," biro ni Ivan sakin.
"Your face!" konting denial ko.
"Dikit ka pa nga sakin," bulong niya sakin as he pulls me closer to him.
"Baka ako na yata ang langgamin dito eh!" sarcastic comment ni Vhin saming dalawa.
"Talagang mas sweet pa kayo kapag nagdikit kayo, bagay na bagay!" pahayag ni Abby, with matching kilig.
"Ally, okay ka lang ba?" a calm Ivan asked me.
"O-oo!" sabi ko, halos hindi na ako nakatuloy sa aking pagkain.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...