Ang sakit naman sa mata ng liwanag na yan. Pwede pakisara yung kurtina? Hmm. Teka,.. kinapa kapa ko yung hangin. Wow pwede palang kapain yun? Di bale, maabot ko lang yung kurtina, solve na ang problema ko.
"Ump." napalunok ako nung may matigas akong maramdaman sa kamay ko. Unti unti kong napamulat hanggang sa marealize ko kung ano yung nahawakan ko. "Ahhh....rayyy!" hindi ko na napigilan ang hatak ng gravity nang mapabalikwas ako ng higa dun sa sofa na siyang hinigaan ko kagabi at bumagsak sa sahig. Bat naman kasi walang sandalan to?
"Ayos ka lang?" rinig kong tanong sa kabila nung sofa. Obvious na ngang hindi di ba? Tapos tatanungin pa. Ano ba kasing pumasok sa utak nito at talagang itinapat ang mukha sa mukha ko?? Tss. Tapos,
"Bat ka ba nakahubad!?" sigaw ko habang hinihimas yung balakang ko. Tss.
"Bakit ba? Bahay ko to eh." sabi niya sabay tayo at hikab. Ayun tuloy nakita ko yung hubad na upperbody niya. Yung nahawakan ko kanina chest niya ata. Whatever.
"Magdamit ka nga! Kahit naman na bahay mo to eh dapat may kahihiyan ka pa rin lalo na't may ibang tao." Tumayo na ako at pinagpagan yung sarili ko. Nagulat na lang ako nung biglang ihampas niya yung kamay sa pader sa gilid ng ulo ko.
"San mo nakuha yang suot mo?" seryoso nitong tanong. Medyo napataas naman ako ng kilay dahil sa ikinilos niya.
"Sa closet mo?"
"Ugali mo bang kumuha ng mga bagay ng hindi ka nagpapaalam? Hubarin mo yan." nagpang-abot na nun ang mga kilay ko sa sinabi niya. Aba't sumusobra naman ata siya sa sinasabi niya. Plano ko na sanang maging mabait sa kanya since nalaman ko yung kwento tungkol sa ate niya tapos ganyan naman siya ngayon.
"Problema mo? Hiniram ko lang naman dahil sinukahan mo yung damit ko." pagsasabi ko ng totoo.
Nakahinga na lang ako nung bigla siyang umalis tapos kung ano anong hinahalungkat dun sa closet niya. Nagulat na lang ako nung ihagis niya sa mukha ko yung dala niyang damit.
Inalis ko yun at sinamaan siya ng tingin. "Ang sama ng ugali mo!" sabi ko. Ano bang pinagkaiba nitong damit na to sa bigay niya?
"I don't care. Just change!" sigaw nito. Anong problema nito? Hindi ba siya morning person? Damit lang naman to, masyado niyang siniseryoso.
Dumeretso na ako sa banyo nun at nagpalit sa binigay niyang damit bago lumabas. Nakita ko lang siyang nakahiga na ulit sa kama niya.
"Bat ka ba andito?" iritableng niyang tanong.
"Wala ka bang naalala kagabi?" tanong ko at dun lang siya tumingin sa akin mula sa pagkakadapa niya sa kama.
"May ginawa tayo kagabi?" nanlalaki yung mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ako naman eh napa-'huh??' na lang. "Nagwiggle-wiggle ba tayo?" nakakadalawang 'huh??' na ako nung marealize ko yung ibig niyang sabihin.
"Tanga! Hindi!" Inihagis ko sa kanya yung pinakamamahal niyang tshirt at nagtss lang siya sabay suksok nun sa ilalim ng kanyang unan. Kung ano anong na namang lumalabas sa bibig akala mo kung nakakatuwa mga pinagsasabi nya.
"Makatanga ka eh no? Kung hindi tayo nagwiggle wiggle, baka naman nagtalk dirty tayo?" Kung pwede lang na ihampas ko sa kanya itong lampshade ginawa ko na. Kaya lang naisip kong baka sampahan ako nito ng kaso. Saka wala pa naman akong pambayad sa lampshade na to.
"Ganyan ba ang nagagawa ng alak sa utak mo? Aba eh bawas bawasan mo ang pag-inum dahil kung ako ang tatanungin mo hindi na magtatagal ang buhay mo pag pinagpatuloy mo yan dahil baka ipadala na agad kita sa impyerno."
"Alam mo ang dami mong alam. Sinasabi ko lang naman yung mga maaaring nangyari kagabi. Malay ko ba kung..." sa panahong ito ay tinitigan niya na ako ng malisyoso. Parang kung san san na napunta yung mga mata niya habang nakatitig sa akin.