Chapter 14

7 0 0
                                    

Sabrina Wells' POV

Nabubwisit na talaga ako.

Ang init.

Masyadong maaraw.

Masyadong nakakasilaw.

Pinagpapawisan na ako.

Nakakapagod magkalad sa gitna ng palayan.

Lintik na yan! Nasan na ba kasi yung sinasabing silong na sinasabi ng lalaking to?!

Grabe na talaga to! Sa susunod hindi na ako ulit pupunta sa lugar na to! Nakakapeste ng buha------

"Ay peste!" Sigaw ko ng bigla akong madulas pero dahil mabilis si freak hindi ako nalaglag sa palayan.

"Hey... Becareful!"

Sinimangutan ko sya. Ayoko na dito! "If this is one of your ways para mapatino ako, nagkakamali ka! Mas pinapalala mo pa ako! Ang init dito! Masyadong masakit sa balat tapos mamaya baka mangitim na ako! Tignan mo oh! Pula na ang balat ko! Shit! Tapos wala parin tayo dun sa pesteng silong na sinasabi mo, kung ano man yon! Tapos ang dumi dumi ko na. Puro putik na ang balat ko! Natutunaw narin ang make-up ko dahil sa pawis. Ngayon sabihin mo sakin! Malayo pa ba tayo?! Kung malayo pa tayo mapapatay na talaga kita dahil sa pagdala sakin dito!"

Nakakunot lang ang noo nya sakin habang tinitignan ako. Itinayo nya ako ng ayos. "Hay... Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang magreklamo? Malapit na tayo pwede ba? Tsaka ikaw din naman ang may gusto na lumayo muna diba? Tapos nung inilayo kita nagagalit ka naman! Ang gulo mo talagang babae ka!"

Nakakainis na talaga tong lalaking to! "Napaka-antipatiko mo talaga! Wala naman akong sinabi na dalhin mo ako sa lugar na to. Tignan mo nga ang init init tapo----- o-oy! A-anong ginagawa mo?!"

Naghuhubad kasi sya ng damit. Ano bang iniisip ng lalaking to?!

Nagulat ako ng ihagis nya sakin yung damit nya. Sakto namang tumama sa mukha ko.

Grrr... Agad kong tinanggal yon sa mukha ko at nakita ko lang ay ang sexing likod nya.

"Itaklob mo para di gaanong mainit. Dalian mo. Malapit na tayo."

Ewan ko ba kung concern sya o dahil sa naiingayan na lang talaga sya sakin.

Pshhh... Pasalamat sya maganda ang view ng likod nya. Tsk! Nagsimula na rin akong maglakad.

Pagkarating namin sa silong naabutan namin na may mga tao doong nagtatawanan habang kumakain. May mga tumutugtog din ng gitara at kumakanta. Seriously?! Nagagawa pa nilang magtawanan sa ganitong kainit na lugar?!

Napatingin naman ako kay freak na nakangiti habang nakatingin sa mga taong masayang nagtatawanan.

O.O >///< yung dimples nya lumalabas o!

Ngumiti naman sya sakin sabay hawak sa kamay ko. "Halika na. Ipapakilala kita sa mga kaibigan at sa mga nag-alaga sakin dati."

Nag-nod lang ako as an answer. Ano pa nga bang magagawa ko eh nandito narin naman ako.

"There's a trueth in your eyes, saying you'll never leave me.
With the touch of your hand, says you'll catch me. Wherever I fall.
You say it best---

"When you say nothing at all..." Dugtong ni freak.

Agad akong napatingin sa kanya. I cant believe na magaling pala sya kumanta. Isang sentece lang yung kinanta nya pero hindi mapagkakailang napabilib nya ako agad.

Nung tumingin sya sakin naabutan nya akong nakatulala sa kanya. Nginitian nya ako kaya napabalik ako sa katawang tao ko. Naman! Bakit ba ang gwapo gwapo nya pag ngumingiti?!!!

Love me and Im all yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon