Dumating sa punto na ang malakas kong tawa na kay sigla, ay naging tawa na kailangan nalang para sumigla. Napagisip-isip ko na ang ngiti ko ngayon ay hindi maikukumpara sa mga ngiti ko noong una. Para bang ang dilim ay hindi mawala wala kahit anong lakas ng sinag ng bombilya. Biglang nawalan nang buhay ang kwento at mga tulang binabasa. Mahirap ipaliwanag kaya di maintindihan. Subalit, datapwat, na iyong malalaman ay iyong susukuan.
Marahil ang mundo ay nag-iba na, o ang mundo nga ba ang nag iba?
Walang mailahad na dahilan pero ito'y aking nararamdaman. Kalungkutan sa puso ay malawak pa sa karagatan. Biglang nawala ang pag-asang mag umpisa. Biglang huminto ang oras at naparalisa.Ang totoo ay takot lang akong harapin ang katotohanan. Di mabilang na palusot at mga dahilan. Unti-unting naglalaho ang mga bagay na gusto kong makamit. Parang mga larawan na sinunog ng mga matang nakasilip. Ngunit isa lamang akong strangherong may mga katanungan at mga sising binabato sa repleksyong kapareho ko ng pangalan. Napagisip-isip kong pagod na ako. At kahit ilang beses pang magpahinga, sa pagbangon ay pagod parin ako.
YOU ARE READING
Fair-Tale
RandomAng lahat ng iyong makita, mabasa, at masaksihan ay hanggang dito lamang. At ang lahat ng iyong maisilawat sa iba ay may kaparusahan. Hindi mo man makita, pero tiyak na darating sa panahong di mo malalaman.