Dear Cupid (One-Shot Story)

32 1 0
                                    

Dear Cupid,

February 1 na ngayon, 13 days to go na lang Valentines day na. Pinana mo na ba ang taong nakatakda para sa'kin? Gusto ko na kasi siyang makita at makilala. Sana dumating na siya.

Love,
Heart

Dear Cupid,

Ang saya ko kahit pa natamaan ako ng lalaki ng bola ng basketball sa ulo. Nakasalubong ko kasi kanina si Brix noong pumunta ako sa clinic dahil sumakit ang ulo ko. Masiyado kasing malakas ang impact ng bola. Pero ayos lang! dahil kasi doon nakita ko siya. Alam kong napakasimple lang ng pangyayaring ganoon kaso napakarare kasi na mangyari 'yon. Sa loob ng 11 months na crush ko siya eh ilang beses pa lang kaming nagkita. Kaya naman biglang nawala ang sakit ng ulo ko. Sana siya na. Siya na ang nakatakda para sakin Cupid.

Love,
Heart


Dear Cupid,

Ang saya saya ko talaga! Sa tingin ko, tinupad mo na ang wish ko sa darating na Valentine's day! Nagkasalubong kasi ulit kami ni Brix! At hindi lang 'yon, nginitian pa niya ko. Hindi ko maiwasang mapangiti rin at mamula. Kahit alam kong hindi sadyang para sakin ang ngiti na 'yon, still! Ngumiti pa rin siya. Hay. Siya na ba cupid?

Love,
Heart


Dear Cupid,

Today is a big day! February 4 pa lang pero para sa'kin ay Valentines day na. Finally! Na-notice rin niya 'ko. Nagkaroon kasi kaming mga 4th year homeroom President ng meeting for the upcoming JS Prom this February 14. And yep! We've been practicing it na for almost a week. By section nga lang kaya hindi ko siya nakakasama. And yes ulit, pareho kaming President ni Brix! Kanina diniscuss ang about sa foods at tinanong ako ni Brix kung may gusto raw ba 'kong i-suggest. Natameme ako at parang nabuhol ang dila ko kaya umiling na lang ako at sinabing 'bahala kayo'. Gusto kong sampalin ang sarili ko no'n dahil parang ang rude at napakawalang pakialam ng sagot ko pero dahil mabait si Brix ay nag-nod lang siya at nag-'okay'. Hay. May date na kaya siya? Sana yayain niya ko!

Love,
Heart


Dear Cupid,

Ngayong araw napagkasunduan na magpapractice na kami with other sections. Meaning lahat kaming fourth year students. Makakasama ko na si Brix! Makikita ko na siya nang madalas! Ang saya ko! Binigay na kasi sa'min 'yong steps at nai-practice na namin, ang kailangan na lang ay gawin namin nang sabay-sabay. Pero teka? Wala pa pa lang partnering! Sana kami ni Brix ang maging magkapartner!

Love,
Heart


Dear Cupid,

Malungkot ako ngayong araw. Pinag-partner partner na kasi kami at sa kasawiang palad, hindi si Brix ang naging kapartner ko. Kasi kapartner niya 'yong bestfriend ko na si Nathalie. Ang sakit no'n sa heart grabe! Gusto kong maiyak habang tinitignan ko silang magkahawak ng kamay. Ganoon kasi ang posisyon 'pag papasok na kami, 'yong magkahawak kayo ng kamay pero nakataas 'yon kapantay ng shoulders niyo. Ako dapat 'yon eh! Na-tsansingan ko na sana siya! Dejoke. Pero dream come true na sana. Tapos mas nakakaiyak pa kasi ako lang ang mag-isa dahil absent ang kapartner ko at mukha akong tangang mag-isang sumasayaw. Hay. Kill me now!

Love,
Heart


Dear Cupid,

Bawing bawi ang kalungkutan ko kahapon. Binilhan kasi kami ni Nathalie ng tubig ni Brix ngayon after practice. Ayieee! Napakagentleman niya! Hashtag: Turn On Level 100!

And finally nakausap ko na siya. Haha! Malaking factor din pala na si Nathalie ang naging kapartner niya kasi naging close kami. Oh diba, ang saya? Kahit wala pa rin akong partner kasi may sakit daw. Kahit mag-isa lang akong ume-entrance masilayan ko lang si Brix okay na.

Dear Cupid (Valentine's Day Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon