59 - Saving the empire

187 14 5
                                    


"Diane, have you heard the news?" Tanong ni Regina. "Binili ang Pearl Hotel ng isang mayamang businessman.. na hindi pa natutukoy ang pangalan."

"Anong fake news na naman yan?" Diane asks as she turns around with her swivel chair. "Eh nag-file na nga ng bankruptcy last month ang hotel na yan diba?"

"Oo pero nagka-interes di umano ang businessman na yun na bilhin ang hotel. Maybe he believes he can turn it to a successful business after the pandemic."

"At kung totoo man yan, bakit hindi pa nila ma-reveal ang kanyang identity? Pa-suspense effects?" Sabi ni CEO.

Nagbalik trabaho na sila sa Martinez nang nagsimula na ring mag-operate ang hotel under the new normal by the start of August. August is a lean season for accommodation businesses. At lalo pa ngayong pandemic. Lean season means konti lang nagche-check-in na guests. At kahit nagbalik na ang Martinez Tower, hindi pa rin nakakabangon ang kompanya sa financial crisis. All the management teams are doing their very best to cope up. Pero dahil may 50 million pang debt ang kompanya, ito mas nakakapagpabigat ng kanilang problema.

At the first week konti lang ang naging kita ng hotel. Most guests kasi dati ay mga foreigners. Pero dahil wala pang international flights, masyado itong naka-apekto. Sa second week, almost walang nagpa-book. Sumakit na naman ang ulo ni Diane sa kakaisip kung ano na susunod nilang hakbang. The assets of the company ar in great danger but she still doesn't want to admit it. She could never accept that Martinez Corp. will go down. Ang kompanyang pinagkakaingatan ng kanyang pamilya at pinagyabong mula pa sa iba't ibang henerasyon. Tapos, babagsak ito sa ilalim pa ng pamumuno niya. Am I that much of a failure? She blames herself.

One time at her office, magdamag na inisip ni Diane kung paano niya i-handle kapag magde-declare na rin ng bankruptcy ang kanyang kompanya. She cried at the end. Pakiramdam niya siya na talaga ang pinaka-failure na tao sa buong mundo. A failed marriage. A failed family. A failed company. What's next? Hindi na niya talaga alam kung gagawin niya. And no one is there to guide her and give her the answers. Dahil silang lahat din naman ay umaasa sa kanya dahil siya ang CEO after all. And she couldn't just cry. Pero wala na siyang magawa kaya iyak nalang siya nang iyak sa kanyang opisina. She was standing by the glass wall, looking at the view outside of the building. The view of the city that used to be busy. Pero ngayon mabibilang mo na kung ilang sasakyan nalang ang dumadaan. She had so many bad thoughts. Seventh floor. How much would it hurt if someone jumps from here?

"Miss D?"

Hindi niya namalayan ang pagdating ng assistant niya sa kanyang kakaiyak. Hindi nga pala naka-lock ang pinto ng opisina niya kaya nakapasok lang agad si Sander. Pero as usual, sumusulpot itong assistant niya out of nowhere.

Pinunasan niya agad ang kanyang mga luha bago pa humarap sa secretary niya pero nahalata pa rin nito na umiiyak siya. Wala nang kung ano-ano pang tanong o sinabi si Sander, agad na niyang niyakap ang kanyang boss. He rubs her back to make her feel warm, and that, he is there for her. Alam niyang unusual na basta-basta nalang i-hug ng isang secretary ang kanyang boss. Pero kailangan ito ng amo niya right now. Alam niya kung ano ang hinaharap ng Martinez Corp. ngayon.

"Thank you." Sabi ni Diane nang tumahan na siya at bumitaw na sa pagyakap kay Sander. "But you shouldn't have done that. Baka may makakita sa atin at ano pang maiisip nila."

"May good news ako sayo, Miss D."

Pinaalam ni Sander na may kumontact sa kanya na nagpakilalang tauhan ng isang businessman. Ikinwento ni Sander lahat ng instructions na sinabi sa kanya ng tauhang yun. Ang business man na kanyang amo ay same businessman pala na siyang bumili sa Pearl Hotel lately. And now this mysterious person is showing interest in helping Martinez Corporation.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon