PANAGINIP LANG ANG LAHAT

38 3 0
                                    

Naalala mo pa ba nung niyaya mo kong mag disco,

Sumayaw tayo't nagpakasaya hanggang sa nagkaloko-loko,

Eh, yung kasama mo ko patungo sa kalawakan,

Sabi mo pa nga sakin mamahalin mo ko nang walang hanggan.

Naalala mo pa ba nang yayain kitang lumabas,

Di ba't pumayag ka agad at di mo na pinalagpas,

Yung tipong ayun na yung araw na walang wakas,

At sabi pa nga natin sa isa't-isa magmamahalan tayo ng wagas.

Napakasaya mo nang ipinakilala kita sa magulang ko!

Ganun din naman ako nang pinakilala sa magulang mo,

Nagkaroon tayo ng mga plano sa ating buhay,

At isa dun yung magsasama tayo habang buhay.

Napakasaya nung araw na tayo'y ikinakasal na,

Tanaw ko ang maganda mong kasuotan pati ang yung pamilya,

Sabik na sabik naku, habang palapit ka nang palapit sa dambana,

At ika'y aking nilapitan,hinawakan,lumuhod tayo at nanumpa na.

Kapwa tayo sabay tumanda at sinariwa ang lahat,

Nagkaroon ng matatag na buhay,bahay at mga anak,

Naka-upo tayo malapit sa bintana nakatingin sa langit nagpapasalamat,

At muli tayong nagsabihan ng matatamis na salita.

Nagulat ako ng biglang bumalik sa utak ang lahat,

Napagtanto,napa-isip tinanggap kahit masaklap,

Ang nakaraan natin sa isip ko, O kay sarap,

Nagising ako at nasabing panaginip lang pala ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANAGINIP LANG ANG LAHATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon