Meriedeth Salazar
Veronica's words are still ringing inside my head. Hindi ko namalayan tapos na ang volleyball game. Uwian na, sumakay kami sa bus na sinakyan namin kanina.
Mabuti nalang at hindi maingay, pagod ang lahat ng tao ngayong araw. Sumandal ako sa upuan ko at nakinig ng kanta gamit ang headphones ko.
Nakakapagod ang araw na 'to, not just physically. Napabuntong-hininga ako, sa tuwing naaalala ko ang mali ko kanina. Kung hindi lang sana ako na distract.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Si Eryx pala. Tinanggal ko kaagad ang isang headphone ko.
"Sorry, bakit?" I asked.
"Nasa school na tayo," he smiled.
Napatayo ako, hindi na gumagalaw ang bus. Nagsibabaan na rin ang ibang tao na nakasakay. Inayos ko ang bag ko at bumaba na rin.
Umuwi na kaagad ang triplets dahil sinundo na sila. May aasikasuhin din si Miss Morales para bukas, sumama rin sina Wesley at Melanie, naiwan kaming lima dito sa field. Malapit ng dumilim, nag-iiba na ang kulay ng kalangitan.
"Snack tayo?" yaya ni Shelanie.
Nagkatinginan kaming lima. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Maaga pa naman, tinext ko sina Kuya at Aunty Rebecca, hindi sila nakapunta kanina dahil may emergency sa mga trabaho nila. Mabuti na rin 'yon.
"Tara, nagugutom ako," sabi ni Rovic. "Sama ka, Dude?"
"Pwede na rin, wala naman akong ginagawa," sabi ni Eryx.
"Andrea, sama ka," sabi ni Shelanie.
Napatingin kami kay Andrea. Napahawak siya sa batok niya.
"Wag na, uuwi na ako," sabay ayos ng bag niya.
"Sumama ka na, pagkain naman hahanapin natin," sabi ni Rovic, tiningnan niya ako. "Ikaw din, Shark girl! Sasama ka!" sabay akbay sa akin.
"Tss."
Naglalakad kaming lima patungo sa bagong bukas na snack house, malapit lang ito sa school. Habang naglalakad kami ay bumukas na ang ilaw sa nga lamp post.
"Ito na 'yon?" tanong ni Andrea.
Nakatayo kami sa snack house. Nasa may park lang kami ngayon.
"Anong gusto mo? Fine dining restaurant?" tanong ni Rovic. "Masyado kang arts," sabay pasok.
"Anong arts?" tanong ni Shelanie at pumasok na.
Pumasok na rin kami. Umupo kami sa isang table, may menu doon. Nakalista ang mga snacks nila. From pizza to fries to fried chicken and more.
"Arts ay short cut sa maarte," sabi ni Rovic.
"Hindi ako maarte. Its not like.. Nevermind," sabi ni Andrea
"Cute naman yung designs nila, nakakarelax," komento ni Shelanie.
"Order na tayo," sabi ni Eryx.
After deciding, pumunta na sila Eryx at Rovic sa counter at nag-order. Ilang saglit ay bumalik na sila sa table. Inaasar ni Rovic si Andrea tungkol sa pagiging maarte. Dumating na yung inorder nila. Nagsimula na silang kumain, to be honest wala akong gana. Gusto kong matulog.
"Is something bothering you, Salazar?"
Napatingin ako sa harapan ko, seryosong nakatingin si Eryx sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ayos ka lang ba, Salazar?" sinulyapan ko si Shelanie, she looks worried.
"Yes, I'm fine."
"Wag mo na isipin ang sinabi ng babaeng 'yon, Salazar."
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Genç KurguMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...