She's The One [EXO ONE SHOT]

1.2K 80 34
                                    

A/N: Naedit ko na po. Read read read! :*

She's The One

--

Bakit ganoon? Lahat na lang ng gusto ko hindi ko makuha.

Yung iba nakukuha ko nga, pero di naman sila siryoso sakin.

Di nila ipinaparamdam na mahal din nila ako. Sila pa yung nanloloko at nananakit ng damdamin ko.

Yung bang wala ka namang ginagawang masama, yung binibigay mo naman ang lahat pero kulang parin sa kanila.

Yung sobra-sobra na ang binibigay mo pero di niya parin maappriciate.

Iyon 'yung masakit eh, minamahal mo naman siya ng buong-buo pero siya binabalewala ka lang niya.

Siguro nga hindi lang siya ang para sakin kaya ganun.

Pero bakit ang tagal naman dumating nung para sakin, ayaw ko ng masaktan, sawang sawa na ako.

Sa dalawang naging girlfriend ko, parehas nila akong niloko.

Bakit ba kung sino pa yung siryoso yun pa yung palaging nasasaktan?

Kung sino man 'yong para sa'kin, sana makita ko na siya, kase pagod na pagod at sawang sawa na akong masaktan.

Gusto ko rin naman ng mamahalin din niya ko, yung bang hindi lang ikaw ang nagmamahal, yung parehas kayo.

Kalalaki kong tao ang drama drama ko, pasensya naman, sadyang di ko na matiis.

"Hyung! Bakit tulala ka ata? May problema ba? Babae yan no?" Tanong sakin ni Tao. Isa sa mga kaibigan ko.

"Wala,may iniisip lang ako!"

"Sino naman?"

"Project namin!" At ngumiti ako sa kanya ng pilit.

"Kris hyung, kahit ideny mo pa na wala kang problema alam ko ang totoo. May problema ka eh.Kilalang kilala na kita. Ang peke ng ngiti mo. Bakit ba ayaw mong magsabi sa'kin? Kaibigan mo ba talaga ako?" Nagpout pa siya. Ang bading niya hahaha.

"Hahahaha."

"Tawa pa!" At nagpout ulit siya haha. Bading ata to eh hahaha.

"Pare umamin ka nga sakin, bading ka ba?"

Nagulat naman ata siya sa tanong ko at tumawa. Nag bitch face na lang ako kaya tumigil na siya.

"Ako bakla? Hahaha hindi no!"

"Sige sabi mo e"

"Tss. Wag kang sumegway. Ano ba kaseng problema mo?"

"Sawang sawa na kase akong masaktan sa pag-ibig. Gusto ko ring maramdaman yung nagmamahal ka tapos minamahal ka din niya. Hindi yung ako lang ng ako. Bakit kase kung sino pa yung walang ginagawang masama at yung nagmamahal ng totoo siya pa yung laging nasasaktan at niloloko."

"Kris hyung, ayos lang yan. Babae lang yan." Biglang singit ni Luhan sa usapan. Kibigan ko din, wag kayo maganda yan hahahaha.

"Epal ka Luhan!" Sabi sa kanya ni Tao.

"Totoo naman hahaha." At naglabas pa ng dila si Luhan.

"Isusumbong kita kay Kristelle! Sasabihin ko nambababae ka kahit hindi!" Pananakot sa kanya ni Tao.

"Edi isumbong mo! Hindi naman totoo eh. Samahan kita you want?" Sabi ni Luhan.

"Wag na, ayan na si Kristelle oh. Kristelle! Si Luhan may babae!" Sabi ni Tao.

She's The One [EXO ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon