Dedicated to my best friend, Charles Fuentes. Hope you likeeee it! Ipabasa mo 'to sakanya haaaa. :D
The day we met.
©WhoCaresWithYouBaby2012 (AJMF)
Maganda, mabait, humble, maka-Diyos, Maputi at kaakit-akit. Yan ang mga bagay na nakita ko sakanya. Mga katangian niya na wala ako. Mga katangian niya na naging dahilan para hindi ko siya maabot. Siya yung tipo nang babae na una palang masasabi mo na sa sarili mo na “Wala na akong pag-asa diyan.” O kaya naman “Hindi ko siya maabot.”, Pwede rin namang “Hindi niya na ako magugustuhan.”
Sa mga araw na nakikita ko siya, mga ngiti niya agad ang bumubuo nang araw ko. Ano pa kaya kung kausapin niya ako? Siguro, baka lumipad ako sa sobrang saya. Kaso napaka-impossible naman ata nun. Mataas kasi sya. Yung tipong langit sya, lupa ako. Sabi ko nga, maganda siya, mabait, maka-Diyos, Maputi, at kaakit-akit.
Sino ba naman ako para bigyan niya nang pansin? Isang hamak na estudyante. Estudyante na walang alam gawin kundi ang matulog sa bahay o kaya naman mag basa nang libro. Kung minsan pa nga ay nauuwi pa sa pag-bubunganga nang nanay ko, pero kahit naman ganun at pursigido padin ako sa lahat nang bagay na ginagawa ko. Pursigido akong makapagtapos nang pag-aaral, at makakuha nang mataas na marka.
Masipag at matalino naman ako eh, pero sobrang fair talaga ni God dahil hindi niya ako biniyayaan nang makinis at magandang mukha. Paano ko na lang malalapitan ang babaeng sinusulyap-sulyapan ko? Paano na lang ako makaka-puntos kung ngayon pa lang ay bagsak ako? Kakayanin ko kayang makita sya sa piling nang iba? Baliwala lang din pala ang pagiging pursigido ko kung pag dating naman sa taong nagugustuhan ko ay talo na agad ako.
***
Naniniwala ako sa kasabihang “Hindi bulag ang pag-ibig. Kasi hindi naman ang mata ang pumipili, kundi ang puso.” Ganyan ang naging motivation ko. Alam kong hindi ako ganun ka-pogi pero naniniwala ako na kaya ko syang paibigin.
Nung ako’y kinse anyos, nag bago ang buhay ko. May mga pangyayari sa buhay ko na hanggang ngayon ay sariwa pa rin at hindi ko pa nalilimutan at alam kong kelan man ay patuloy ko pa din itong tatatak sa isip ko.
Linggo noon, inimbitahan ako nang aking kaibigan para sa isang praise and worship activity. Agad naman akong dumalo dahil naisip ko na baka ito na ang pagkakataon para manumbalik sa Diyos. Minsan na nga lang kasi ako makapag-simba. Siguro nga’y pupunta lang ako sa simabahan kapag Simbahang gabi o kaya naman kapag nayaya lang nang kaibigan. Ganyan ang buhay ko.
Pag pasko ko sa loob nang simbahan na tinatawag nila ay ibang iba ito sa simbahan na karaniwang nakikita ko. Para lang itong isang bahay kung saan nilagyan nila nang Altar. Simple lang kumbaga. Pero sa loob nito ay ang mga taong nagbabatian ng maayos. Makikita ko mga mukha nila na masaya sila sa ginagawa nila. Makikita sa mukha nila na masaya sila kung nasaan sila. May mga ilan na Lumapit sakin, binate nila ako kahit na hindi nila ako kilala. Masaya ako dahil doon. Doon ko lang napagtanto na iba pala ang relihiyon nila.
Pag tapos nang Praise and Worship namin ay agad naman nila akong kinausap. Sabi nila na mag-imbita pa daw ako nang aking mga kaibigan. Sumunod na linggo ay bumalik ulit ako sa lugar na yon. Malapit lang naman ito sa bahay namin kaya madali akong nakakapunta dito. Muli kong nakita ang mga tao na nakasalamuha ko nung nakaraang linggo.
Nung linggong yun, hindi ko inaasahan ang makikita ko. Isang dalaga. Nakasuot sya nang pink na blouse. Mahaban ang buhok nya at sa tingin ko ay kasing tangkad ko lang sya. At dito na nag simula ang storya nang buhay ko.
Pagkalingon ko ay nakita ko ang mukha niya. Meron syang katamtamdang laki nang mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Unang tingin ko pa lang ay nabighani na agad ako sa nakita ko. Isang simpleng babae pero maka-pukaw tingin at nakakabighani nang puso.
BINABASA MO ANG
The day we met (One-shot story)
SpiritualA story about faith and hope. Property of: WhoCaresWithYouBaby 2012