"Kuya naman, okay lang naman na hindi mo ko ihatid eh."
"I insist, okay? You should thank me dahil iniwas kita sa awkward moment na pwedeng mangyari kapag kasabay mo sila."
"Oo na! Thank youuuu!"
"Den.." pagtawag ng kuya niya kaya napatingin siya dahil tinawag siya ng kuya niya by nickname na ginagamit lang niya kapag silang dalawa lang yung magkasama.
"Yes, kuya Axel? Bibigyan mo ba ko ng pera?" pagbibiro ni Shella dahil nagiging seryoso na yung atmosphere kaso ayaw niya na maging seryoso. Una, masyado pang maaga. Pangalawa, kotang-kota na siya sa iyak kahapon. At pangatlo, wala siyang samod na umiyak ngayon.
Tumawa nalang yung kuya niya at pinunasan yung mga luha na namumuo sa mga mata niya.
"Basta kung may problema ka man ah, nandito lang si kuya. Feel free na magsabi ng kung ano mang problema or anything katulad ng ginagawa natin everytime na may problema tayong dalawa. I'm not just your brother but I can be your best friend also, remember that, Den."
Napangiti si Shella at niyakap yung kuya niya at niyakap din siya pabalik.
"Hayy nakooo! Axel Salazar, ang tanda-tanda mo na iyakin ka pa rin kaya wala ka pang girlfriend eh!"
Inis na kumalas sa pagkayakap ang kuya niya at sumimangot.
"Bwiset ka! Nagmomoment yung kuya mo tapos guguluhin mo? Salamat haaa!"
"You're welcome! Stop na nga! Ang aga-aga tapos ang drama mo!"
"Oh eto, pocket money mo." sabay abot ng 3k kay Shella at sabik na kinuha yung pera. Aba syempre, sino naman hindi masasabik kung bibigyan ka ng 3k ng kuya mo, diba? Yung kuya ko nga binigyan ako pero itcha prank tapos yung isa naman kuripot! Kaya Shella, shene oll.
"Oh yes! Thank you! Kaya lab na lab kita eh!" sabay halik sa pisngi ng kuya niya at binuksan yung pinto ng kotse at bumaba. "Babye! Sa uulitin ulit! I love you!"
Kumaway siya at sinarado yung pinto at kumaripas ng takbo.
Napailing nalang yung kuya niya at napangiti
"Napaka masiyahin mo talaga, Den. Huwag na huwag mong hahayaan na manakaw 'yan ng sino man....charot!"
Pinaandar na niya yung kotse at umalis.
"Mga bakla!!! Manlilibre akooooo!!" sigaw ni Shella sa apat niyang kaibigan sabay pakita ng 3k na bigay ng kuya niya.
"Naksss! 3k!" wika ni Erynn at lumapit sa kaniya at tiningnan yung pera. " Tehhh, sure ka bang 3k 'yan?"
"Huh? Oo?"
Kinuha ni Erynn yung 3k ni Shella at tinanggal yung mga maliliit na papel na nakadikit at may nakasulat ng 0 para magmukhang 1k instead na 100.
"Hindi 3k 'yang hawak mo kundi 300!"
"Eh? Sure ka? Alam kong 3k yung bigay sa'kin ni kuya!"
"Chineck mo ba? Kilala mo naman yung kuya mo na mahilig din manloko. Kaya nga best buds sila ni Lucas, remember?"
"AXEL SALAZAR!!!! DIMUNYU KA TALAGA!"
"Bobotized! Ayan kasi eh!" pang-iinis ni France kaya nakatikim ng batok mula kay Shella.
"Bwiset ka! Diba, busy ka bakit ka nandito?"
"Bakla! I'm free today! Kaya kung balak mo manlibre lez go na!" sabay akbay sa braso ni Shella.
"Kapal ah! After mo mang-inis may nalaman ka pang libre!!"
"Eto naman! Charot lang naman eh!"
"Oo na! Tara, lalamon tayo ng sangkatutak na kwek-kwek!!!"
YOU ARE READING
Hallway's Symphony
Подростковая литератураA story of childhood friends as they reminisce one of the most eventful part of their lives. Triumph and failure, combined with personal issues that made their bond stronger. Let us join them as they create a thousand more memories as they go on a j...