Merry Christmas and Happy New Yeah! ❤️ Send love and hugs😘
Tagal ng update ko no? 😅---------
ALAS OTSO pa lang ng umaga ay nakahanda ng umalis si Kate. Hindi na hinintay na magising si Yesha dahil alam niyang nagpapa-ulan lang ito ng tanong. Ilang araw na rin niyang pinag-isipan ang gagawin, kinakabahan man ay pilit na pinapatatag ang sarili. She will do it, no matter what.
"Andrada Investment Company po, manong," aniya sa taxi driver bago inayos ang seatbelt.
Buong byahe ay lumilipad ang kaniyang utak. Maraming sitwasyon ang pumapasok sa isipan, mga pangyayari na lalong nagpagulo sa isipan ni Kate.
Yesha, she was not getting better. Sa kaisipang iyon ay parang gumuho ang kaniyang mundo. Alam niyang pinipigilan lang ng gamot na lumala ang sakit ng kaibigan pero hindi siya niyon makakagamot ng tuloyan. It can be cured but only through a bone marrow transplant, not with meds. Iyong sinabi ng tito niya sa hospital na maganda ang response ng katawan ni Yesha sa gamot, alam na alam niyang may kaakibat iyong "pero". Pero hindi ibig sabihin na unti-unti na siyang gumaling. Doc. Mark said those dahil alam kampante itong makahanap ng donor. Her tito has a wide connections, bagay na labis niyang ipinagpasalamat.
Upon hearing those words, Kate was already crying that's why she pretended sleeping. Bone marrow transplant, sobrang hirap niyon lalo na't wala pa silang donor. There's only two possible donor, at kapwa mahirap iyong kunin o papayagin. Una, si Glaissa, Yesha's mother. Pero may maasahan ba sila roon gayo'ng hindi man lang ito nagpakita ng kahit na anong malasakit sa anak, but who knows, maybe just maybe. Pangalawa, the most likely to become donor, Yesha's biological father. But where the hell they're going to find him.
Alam ni Kate na kumikilos na ang kaniyang tito para ipahanap ito, pero hindi niya maiwasang hindi kabahan, paano kung magiging huli na ang lahat, paano kung ayaw nitong tumulong. Malalim na napabuntong-hininga nalang siya ng maramdaman ang namumuong luha sa mga mata.
Sa susunod na buwan ay pasukan na naman, grade 11 na sila. Labis na ikinabahala ni Kate, maging ni Yesha, paano kung hindi ito makakatulong sa kalagayan nila. Kate already admitted to herself that she's not mentally fine, but no, she's not insane but she's hardly dealing with her past. Na-trauma siya, iyon ang sabi ng doctor.
"Ma'am, nandito na po tayo," tawag-pansin sa kaniya ng driver.
"Salamat, manong," aniya pagkatapos magbayad.
Kinabahang pinagmasdan niya ang mataas na building sa harapan. Andrada Investment Company, pagmamay-ari iyon ng pamilya ni Yesha. She sighed before she went in. Hindi niya alam kung ano ang daratnan niya sa opisina ng magulang ni Yesha but she's desperate.
"Hello, ma'am. How can I help you?" Magalang na ani ng nasa front desk.
"Can I see Mrs. Glaissa Andrada, or Mr. Renzo Andrada?"
"Do have any appointments with them, Ma'am?"
"Ahh yes. I was sent by Mr. Mark Cruz on his stead," she lied, well not entirely.
She used her Tito's name to have appointment with Yesha's parents. Pwede naman siyang pumunta sa bahay nila ngunit mas pinilit niyang sa opisina nalang. Nang sa ganoon ay malimitahan ang bayolenting kilos nito, kung magkakaganoon man.
"Okay, let me lead you the way, ma'am," ani nito pagkatapos tingnan ang isang monitor.
Nakangiting nagpasalamat siya sa secretary pagkatapos nitong kumatok at pinaalam na naroon siya bago ipinagbukas ng pintuan. Ito kasi ang pumalit sa babaeng naghatid sa kaniya kanina.
BINABASA MO ANG
When She Closed Her Eyes (On-going)
Fiksi RemajaYessa Camille Andrada was once considered as the luckiest girl in town, she was a shy and silent type but she never lack with attention. Though she lack with warm embrace from her family, it does not bother her at all, because of her brother. Her br...