Umalis si riel sakay ang kanyang mamahaling sasakyan, hindi na nagpa alam sa asawang si rose dahil sabik nang makita si jade. Nawalan na sya nang gana sa kanyang asawa, sapagkat ang tanging nais niya lang gustong makita sa mga oras na iyon ay si jade. Dali-dali siyang bumaba sa kanyang sasakyan patungo sa lugar kung saan nagtatrabaho si jade. Kita sa kanyang mga mata ang pagkislap nang makita ang dalaga, agad niyang niyapos nang halik ang dalaga nang ito ay kanyang nalapitan. Si jade naman ay hindi mapantayan ang kaligayahang nadarama sa mga oras na iyon. Kahit alam ni jade na si riel ay kasal sa iba ay hindi niya kayang pakawalan ang nobyo. Nagkakilala sila sa palengke nung mga araw na si jade ay namamalagi sa kanyang tiyahin sapagkay siya ay maagang na ulila sa kanyang magulang, ganun pa man ay nakilala niya doon sa palengke si riel kung saan sya ay nagtitinda ng gulay upang mabuhay, sa isang tingin ay nabihag agad ni jade ang puso ni riel sa taglay niyang kagandahan. Hindi mitago ni riel ang nararamdaman sapagkay ipinagtapat na niya ito sa dalaga at ganun din naman ang naramdaman nang dalaga, nagustuhan niya ang lalake dahil sa taglay nitong kisig at kabaitan. Mula noon ay nawalan na nang gana si riel sa kanyang asawa at tuluyan nang nahumaling kay jade.
BINABASA MO ANG
Ang Tamang Panahon
Short StoryRose, jade, alex at riel ang mga taong bubuo sa kwentong makakadurog pusong eksena