BUSY pa rin si Cold nitong nagdaang mga araw at madalas mahuli sa pagsundo sa akin pero okay naman na dahil ini-inform na ako nito kapag feel nitong mahuhuli siya o hindi kaya ay hindi niya talaga masusundo. At naiintindihan ko na 'yon ngayon na kahit may partner kana, nando'n pa rin yung time na kailangan mong mag-isa para hindi maging sagabal sa importanteng ginagawa niya. Hindi dapat ikaw ang laging unang priority. Kasi kung iisipin mo kung ikaw ang unang priority ng isang tao, mas uunahin ka nya kaysa sa ibang bagay like trabaho niya. Kailangan nga naman niyang kumayod para sa future, kaya tama lang ang pinili kong lalake. Responsable. Kahit nung una ay tinatanong ko pa ang sarili ko kung tama bang sinagot ko siya sa maikling panahong panliligaw nito.
ABALA ako sa pag-aayos ng sarili ko. Nagsuot lang ako ng white sport bra na pinatungan ko ng peach na crop top at gray skinny pants.
Excited ako sa araw na 'to. Because today is the day. Patakbo akong lumapit sa walk-in closet ko at kinuha ang sneakers shoes ko. Yes, ngayon ang ika-anim na buwan namin ni bebe loves ko. At magpupunta kami sa Tagaytay.
Matagal-tagal na rin kasi nung huli kaming mag-date dahil sa dalas ng pagkabusy nito at kahit ako rin. Patapos na kasi kami kaya tudo pagbibigay ng projects sa amin.
Tumunog ang phone ko kaya dali-dali ko itong nilapitan. But I kind of disappointed when I saw Jonah's caller ID. Akala ko kasi ay si Cold na, haist. But anyway I still answered it.
Sinagot ko lang at pinindot ang speaker bago inilapag sa mini table ko. I sat at the chair in front of my mid-length mirror before I hear Jonah's voice.
"Chast, ano? Sama ka?"
Napatigil ako sa pagku-curl ng buhok ko nang maalala kong may usapan nga pala sila, mga ka-grupo ko sa research na magsi-celebrate kami.
"Sorry, Jo. May date kami ngayon ni Cold."
"Oh, okay sige. Sama ko na lang siguro si Fin baka magselos pa 'yon," sabi nito sabay tawa nito.
I feel guilty kasi iiwan kong mag-isa lang si Jonah tapos puro pa lalake ang ka-grupo namin kaya tama lang na dalhin nito ang boyfriend nito.
"Sorry talaga, Jo. Babawi ako sa susunod."
"Don't be. Have a great day with boyfriend. Mwah! Bye~"
"Thank you, Jo. Bye bye."
Napangiti ako matapos nitong patayin ang tawag. She's kind of sweet pero madalas mong mapagkakamalan na walang pakialam.
Patapos na ako sa pagkukulot nang may kumatok sa pinto.
"Miss, handa na po yung agahan at nand'yan na rin po si Sir Cold."
"Pakisabi susunod na ako."
"Sige po."
Mabilis na tinapos ko ang pag-aayos ng buhok bago kinuha ang gamit na dadalhin ko at bumababa. Pagkababa ko pa lang ay nakita ko na si Cold. Nakatitig lang ito sa mukha ko hanggang sa makalapit ako.
"Hmm, beautiful," sabi nito sabay halik sa noo ko.
Nalanghap ko pa ang panlalakeng pabango nito. Dahil napalapit ako sa dibdib nito.
"Kain muna tayo bago umalis. Nagpahanda na si nana."
"Oh, sure. Tara."
Nagpunta kami sa dining table at magkatabing naupo. Buti naman at sakto lang ang inihandang breakfast, minsan kasi akala mo ang daming kakain.
"Wait, maghuhugas lang ako ng kamay," pagpapaalam nito. Humalik muna ito sa ulo ko bago nagpunta ng kusina.
Kumuha na ako ng toasted bread at pinalaman ang strawberry jam. Should I make one for Cold? Nah, baka mas gusto nun ng chocolate syrup ngayon. Wala kasi itong particular na gustong palaman, kapag feel niya lang mag-crave.
Panay ang vibrate ng phone nito na nasa ibabaw ng mesa, nung una ay hindi pa disturbing pero dahil hindi pa rin bumabalik si Cold ay pinakialaman ko na. Tumaas ang kilay ko ng makitang ang dami nitong message received sa iisang tao lang.
"Lette." Basa ko sa pangalang nakalagay sa ID nito. Walang pic man lang kung anong hitsura nito.
Aksidente kong nabuksan ang message nito.
>>>
Babe, I'm here at the airport. Where are you? I thought you'll fetch me here.
Hello?
Answer the phone.
>>>
Narinig kong papalapit na si Cold kaya mabilis kong ibinalik ang phone nito sa ibabaw. Sakto naman ng tapak nito sa dining ang pag-ring ng phone nito. Kumunot pa ang noo nito pero nang makita ang caller ay dali-dali nitong sinagot ang phone.
"What? (pause) Oh, shoot! Nakalimutan ko. (pause) May pupuntahan kasi ako (pause). Haist, oo na ito na."
Sabay baba ng phone nito. Hindi ko man lang narinig ang sinabi ng kabila, tanging 'yon lang ang narinig ko mula kay Cold.
"Ahm, love? I guess hindi tayo matutuloy."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"May susunduin pala kasi ngayon, nakalimutan ko. Gusto mo e-move na lang natin yung date?"
Gusto ko siyang bulyawan. Excited pa naman ako sa araw na 'to.
"Sige, love. Mukhang importante 'yan. Update mo na lang ako huh?"
"Of course, love. Thank you." Sabay halik nito sa pisngi ko at umalis.
Wow, umalis talaga siya. Hindi man lang nagpaliwanag kung sino 'yon. At bakit niya susunduin. Kinansela pa talaga nito ang date namin.
No, Chasty. Baka client niya 'yon. Ah, yeah baka nga.
"Lily? Paligpit ako ng mesa, wala na pala akong gana," tawag ko sa isang kasambahay dito bago dumiretso sa kuwarto.
Pabalik-balik akong naglalakad sa kuwarto. Anxiety is creeping out. Kung anu-ano naiisip ko, ganitung-ganito rin noon si Mikhail. Si Jonah, tama! Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang mukha ni Jonah bago t-i-nap ang call button.
"Hello?"
"Ahm, nasa'n kayo? Hindi kami matutuloy."
"Oh. (pause) Nasa byahe na kami ni Fin pero ang sabi, sa resort daw nila Kris ang venue."
"Okay. I'll be right there. Have a safe trip."
"You too, Chast."
Naghanap ako ng damit para sa outing namin. Yeah, I guess kasali na ako sa pinag-usapan nilang celebration.
🍭theblackjustice

BINABASA MO ANG
IT MUST BE LOVE TRS#1(Completed)
Storie d'amore"Why those green eyes are somewhat familiar?" Book one of THE REUNION SERIES.