-AUSTIN'S POV-
Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko na nga alam kung ano ba talagang tama. Naiinis ako sa sarili ko at nasasaktan. Naiinis ako kasi hindi ko gustong malagay sa sitwasyong ito. Si Mae ang mahal ko pero si Mich ang girlfriend ko. Nasasaktan ako kasi hindi ko na siya nakakasama. Ang layo na namin sa isa't isa. Namimiss ko na si Mae.
Wala ngayon si Mich. May pupuntahan daw sila ng family niya. Wala akong pakialam sa totoo lang. She's a friend, yes. Pero hindi naman tama na ipitin niya ako sa ganto. Pakiramdam ko may iba siyang binabalak. And I need to know that.
"Austin, pede ka bang makausap?"
Nabigla ako kasi nasa roof top ako ngayon. Dumating si Mae at gusto daw niya akong makausap. Kung alam lang niya na gustong gusto ko at hinding hindi ko siya tatanggihan. Sobrang namiss ko siya.
"Oo naman. Kelan ba naging hindi pwede? Halika, upo ka."
Pinaupo ko siya sa tabi ko. I wanna hug her and tell her how much I miss her.
"Kamusta ka na? I mean, kayo ni bessie."
"Ok lang naman. We're okay." pagsisinungaling ko sa kanya. I cant look her straight in the eyes.
"Mahal mo ba siya, Austin?"
Napalingon agad ako sa kanya sa tanong niyang yun. Nakatungo lang siya at taklob ng buhok niya ang mukha niya. Bakit niya yun naitanong? Anong isasagot ko? Pero may usapan kami ni Mich. I dont wanna see Mae hurt. She wants her best friend back, at ngayong okay na sila, ayokong masira yun dahil lang sasabihin ko sa kanyang mahal ko siya. Tsaka alam ko namang hindi niya ako mahal. Mahal niya ako bilang kapatid at kaibigan lang. Alam ko.
"Oo, mahal ko siya." sinabi ko yun ng may kirot sa puso ko habang nakatingin sa kanya. Nakatungo pa rin siya pero parang nabigla siya.
"Ganun ba?" sabi niya ng nanginginig ang boses niya tapos tumingin siya sa'kin.
"Mahal din kita, Austin. At masaya ako na makita kayong masaya." sabi niya sa'kin nang may biglang tumulong luha sa mata niya.
"Mahal din kita, Austin. At masaya ako na makita kayong masaya."
"Mahal din kita, Austin. At masaya ako na makita kayong masaya."
"Mahal din kita, Austin. At masaya ako na makita kayong masaya."
Mahal ako ni Mae? Mahal din daw ako ni Mae?
Parang nag-echo sa'kin yung sinabi niya. Napatigil ako at hindi ko na namalayang umalis na siya.
Sh*t! Anong sinabi ko? Dapat pala inamin ko na lang sa kanya na mahal ko din siya. Mahal din pala niya ako. At nasasaktan ko siya ngayon. Anong dapat kong gawin? Anong dapat?
BINABASA MO ANG
You and I Forever
Novela JuvenilWhen your life goes wrong don't waste your time lookin' back in what you've lost, for the road of life was never meant to be traveled backward. Just move on and say, "things always happen for REASON."