"Sigurado ka ba dito?" Tanong ni Abby.Tumango ako. "Huwag kang mag alala. Basic lang 'to." Sagot ko. She chuckles.
Kasalukuyan kaming nasa restroom at sinusuot ang mascot na bear. Dumiretso ako ka agad sa booth para tumulong pagkatapos kong mag shoot sa field. Si Troy dapat ang gagawa nito, isa sa mga kaklase namin na nag volunteer kaso nga lang ay hindi siya mahagilap kahit saan kaya ako na ang nag presinta.
"Fighting!" Sabi namin pareho at tumawa.
Nang makabalik kami ay nagsimula ako maghakot ng mga customer habang sina Abby ang nag aasikaso ng nga order at nagseserve. Medyo mabigat ang mascot kaya nahihirapan ako idagdag mo pa ang ngalay na ngalay kong braso pero hindi ko na ito ininda pa.
"Kuya, ang hot mo naman! Mukhang kailangan mo magpalamig muna!" Sabi ko sa dumadaan.
"Good afternoon! Try our best seller smoothie! Swak na swak sa mainit na panahon! Rawr!"
"Frest taste at best price!"
"Wake up your taste buds! Come sit with us!"
"Hi Ma'am! Check out our menu!"
Ilang oras ang lumipas na puro ganiyan ang hinihiyaw ko. Pawis na pawis ako sa loob ng mascot pero natutuwa ako dahil madami ang pumupunta at napupuno ang mga table.
"Hello! Sobrang cute mo naman!" sabi ng isang babae habang hinahawakan ang kamay ko, este kamay ng mascot.
"Papicture kami!"
Sumasayaw sayaw din ako habang hinihikayat sila para maentertain sila. Nakakahiya man pero iniisip ko na hindi naman nila ako kilala dahil naka suot ako ng ganito.
Sobrang nakakapagod.
"Loui, okay na yan." Ani Abby. Pumunta siya sa akin. "Sobrang init na. Magpalit ka na sa restroom." dagdag niya pa.
Kahit gusto ko pang magsasayaw eh hindi ko na rin talaga kaya ang init. Nagpunta ako sa restroom at nagpalit ng damit. Pagbalik ko sa booth ay mas dumami ang tao at kita ko na sobrang natataranta na rin sila kaya tumulong na rin ako sa pagseserve.
"Oh, hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong ni Abby.
"Hindi pa naman ako pagod. Tulungan ko na kayo." I smiled.
"Sakto! Loui, pa serve naman 'to doon baka kasi masunog 'tong niluluto ko." sabi ni Joy. Sumunod ako at dinala ang tray.
"Excuse me, pwede po bang makahingi ng sawsawan?"
"Right away, Ma'am!"
"Ate, hindi ito ang inorder ko!"
"I'm sorry, Sir. Papalitan ko ka aga-"
Napatigil ako nang biglang may sumulpot sa gilid ko at tinanggal ang pagkakatali ng apron na naka lagay sa bewang ko.
"Jace," I said.
"What are you doing?" I confusingly asked. Hindi niya ako pinansin at isinuot niya 'yon sa kanya. Pumunta siya kay Joy at kinuha ang ilang order at sinerve isa isa.
"I thought you said he didn't wanna do it." Ani Joy.
Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya habang ginagawa niya ang trabaho. Pinagtitinginan din siya ng babaeng napapadaan at pumipila para makaupo sa table na matatapos.
Kahit kailan, hindi ko talaga kayang basahin at intindihin itong lalaking 'to.
"Loui," someone called. Inalis ko ang tingin kay Jace at nakita si Tristan.