Maganda ang panahon.Madaming nagtatakbuhan bata sa labas.
Nagtsitsimisan ang mga babae sa tapat ng kanilang bahay.
Ang mga lalaki naman ay may karga kargang sako ng kanilang ani sa magdamag na pagsasaka.
Yan ang namataan nila John at Rogelio nang andoon na sila sa baryo San Pascual.
Di mo aakalain nung isang linggo ay may na massacre na pamilya dito.
"Dito ko na lang i papark ang kotse at lakarin na lang natin mula dito ang bahay ng mga biktima".
Ipinarada ni Rogelio ang kanyang kotse tapat ng isang sari sari store.
Pagbaba sa kotse ay lumapit si Rogelio sa tindera.
"Ate alam nio po ba un bahay ng mag asawang Wilfredo at Lucing" tinanong ni Rogelio ang babae sa tindahan.
Bakas ang pag kagulat sa mukha ng babae noon tinanong siya tungkol sa mag asawa.
"Ako po ay isang pulis nag fofollow up lang po ako tungkol sa kaso nila."
Nahalata ni Rogelio ang pagbalisa ng babae at napilitan silang sabihin na isa siyang pulis.
"Ah malayo layo pa kayo" Dun lang nahismasmasan ang tindera nang malaman niyang pulis ang kanyang kausap.
"Pero kailangan niyo lakarin mula dito, tapos may makikita kayong maliit na daan papunta kagubatan."
Masaya naman tinulungan ng tindera sila Rogelio.
"Yon ang dadaan ninyo" sabay turo sa daan kung saan sila pupunta.
"Mga kalahating oras na lakad at makikita ninyo na kubo nila at malalaman ninyo sa kanila iyon dahil naglagay ang mga pulis ng harang".
Nagpasalamat na ang dalawa sa tindera at inabutan ni Rogelio ng isang daan at pinabantayan ang kanyang kotse.
Habang naglalakad ay napansin ni Father John na nakatingin ng masama ang lahat ng makakasalubong maging mga binata at dalaga.
"Wag kang gaganti ng tingin John, Ganyan talaga dito pag may dayo". mukhang sanay na si Rogelio sa mga ganitong bagay kaya nakinig ang pari sa kaibigan.
Narating din nila ang bahay ng mag asawang Wilfredo at Lucing.
Nilagyan ng harang ng mga pulis ang bakuran at bahay ng mga biktima.
Parang wala naman nangyari kung titignan mo sa labas.
Wari'y nalinis na ng ulan at araw ang massacre na naganap dito.
"Sa labas pinatay ang kanilang anak" kailangan sabihin ni Rogelio kay John ito.
Napapikit naman ang pari.
Di masabi ni John na nakita na niya kung pano pumatay ang mga aswang.
"Tapos sa loob naman ang mag asawang Wilfredo at Lucing."
Sabay hinawakan ni Rogelio sa balikad ang kaibigan at nagyayang pumasok sa loob ng bahay.
Iniwasan ng dalawa na wag masira ang pulis barricade na inilagay ng mga nauna sa kanila.
Pag pasok sa loob doon nila nakita ang malagim na sinapit ng pamilya.
Tumba tumba ng mga gamit at may natirang bakas ng dugo.
"Dito pinatay si Mang Wilfredo" sabay tinuro ang black spot sahig.
"Nangitim ang natuyong dugo sa sahig".
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
HororBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...