Electricity
Dua Lipa & Silk City
2:22 ────|──── 4:21
|◁ II ▷|
ELY
Saturday.
It's been three days since Raigne became our new friend. Nag-aya raw siyang mag-mall sabi ni Claire pero pinagsabihan ko siya na magmeet-up siya sa mga groupmates niya for the incoming group presentation instead of hanging out with her. I even told her not to bring herself here in my apartment para lang yayain just like what she did last Wednesday.
Right after I cleaned the apartment, nagbihis na ako para pumunta sa isang cafe kung saan kami magkikita ng mga kagrupo ko. Neither one of us would suggest to do the groupwork at home, kaya nagdesisyon kaming lahat na sa isang cafe na lang kami.
I left my place with my laptop case. I just wore a white polo sleeves over my slim fit grey pants with my favorite white sneakers. I also wore a grey cap. Ang taas ng sikat ng araw kaya eto ang OOTD ko.
Pumara na rin ako ng taxi papunta sa meeting place. I wore my earphones para gumaan naman ang feeling ko.
When I reached the place, bumaba na ako ng taxi at pumasok sa cafe. The place looks expensive just like their menu here, pero buti na lang sagot na raw ni Peter ang food namin.
Nagtungo na ako sa table namin pero ang nadatnan ko lang ay si Clarisse kasama si Lance. We greeted each other as I arrived. Nagtataka naman ako dahil wala pa si Peter. "Nasaan na pala si Peter?"
"Uhm, bigla na lang siya umalis. Sabi niya babalik naman siya. Hindi ba kayo nagkasalubong sa labas?" sabi ni Clarisse at napailing na lang ako.
"Hindi ko siya nakita," tanging sagot ko.
Nagdesisyon na lang kami na magsisimula na lang kami sa presentation na wala si Peter. Magkatabi naman ang dalawa samantalang mag-isa lang ako sa tapat nila. Kahit tahimik lang ako sa klase, may nalalaman naman akong namamagitan sa kanilang dalawa kaya hinayaan ko na sila basta matatapos namin ito on time.
I was busy with my laptop when someone took our attention. Nakasuot siya ng apron kaya agad kong nalaman na isa siya sa crew ng cafe. "Uhm, are you the classmates of Peter?"
"Yes po," I answered.
"Sorry to interrupt you pero sinabihan niya kasi ako na mag-order na lang kayo ng kahit ano at siya na bahala sa bill. Don't worry, kilala ko naman siya," sabi niya.
"Can I ask kung nasaan siya?" tanong ko.
"Uhm, sa pagkakaalam ko, may date raw siya ngayon kaya hindi niya kayo masamahan, hehe. Enjoy your time here!" sabi niya saka bumalik as counter.
Napasapo na lang ako dahil sa pagtakas ni Peter, gano'n din ang dalawa. "Psh, I knew it. Tatakas siya for his personal stuffs," rinig kong sabi ni Lance.
I just sighed for a second. "Don't worry guys, we can finish this on time without him. Fighting?"
"Fighting!"
May tiwala naman ako sa kanila na matatapos namin 'to kahit na wala si Peter. I really don't know how he proceeded to second year with this kind of actions. Inuna pa talaga ang jowa niya kaysa sa amin. Buti na lang 'tong dalawa na kasama ko, nakakapagfocus pa rin sa studies kahit na may lovelife sila.
Pagdating ng lunch, nag-order na kami ng makakain namin. They even ordered so many foods more than me. Sabi naman daw ni Peter eh siya mag-oorder kaya dinamihan na nila. Natawa lang ako sa dalawa. Paramg lang akong thirdwheel dito dahil mukha na silang nagdadate sa table namin.
Nakita ko pang sinubukang subuan ni Lance si Clarisse ng cake pero tumanggi ito. "Tumigil ka nga dyan. Hindi ka na nahiya kay Ely," sabi niya na ikinatawa ko lang.
"Naah, it's okay. Natutuwa naman ako dito na pinagmamasdan kayo," I smiled.
"Eh kung andito lang si Peter, malamang sinusubuan na rin niya si Ely," biro pa ni Lance na mas ikinatawa ko. Nakita kong siniko pa siya ni Clarisse.
"Psh, tumahimik ka nga dyan. May jowa na 'yan si Ely, pagtitripan mo pa," rinig kong sabi ni Clarisse.
"H-Ha? Ako? Wala pa akong jowa no."
"Wala talaga?"
Napailing ako. Naku, 'di ko alam na pinagchichismisan na naman ulit ako ng mga tao sa university.
Nilapit naman ni Clarisse ang sarili niya sa akin. "Di mo ba napapansin na karamihan sa mga lalaki sa room natin, parating nakatingin sa'yo? Marami na ang nagkakagusto sa'yo, Ely, pero ayaw lang nila maapakan ang pagkakalaki nila nang dahil sa'yo," mahina niyang sabi at tinaasan ako ng kilay nang ilang beses.
"Buti na lang, loyal 'tong katabi ko sa 'kin," natatawa naman niyang sabi at bumalik sa pagkakaupo.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik ulit kami sa presentation namin. Kaunting research na lang ay matatapos na rin namin 'to. Pahinto-hinto naman ako sa pagt-type dahil palagi kong naalala ang sinabi ni Clarisse sa akin.
"Marami na ang nagkakagusto sa'yo, Ely, pero ayaw lang nila maapakan ang pagkakalaki nila nang dahil sa'yo."
Napailing na lang ako. Kailangan ko nang matapos ang trabaho ko para makapagpahinga na ako nang maayos.
Ilang sandali na lang ay matatapos ko na ang last 5 sildes nang bigla kong napansin na makulimlim na langit sa labas ng cafe. Clarisse and Lance are already done with their slides, kaya hinayaan ko na silang umalis. They even insisted to wait for me pero sinabi ko na maabutan na ako ng ulan 'pag natapos ko na ang akin. Ako na kasi ang gumawa sa sildes ni Peter kaya natagalan ako.
Ako na lang naiwan sa table namin kasama ang laptop ko, kaya nag-earphones na ako para 'di ako ma-bored dito sa seat ko.
Natapos ko na ang huling slide nang bigla na lang kumidlat nang malakas saka namatay ang ilaw sa loob ng cafe. Narinig ko pa ang kaunting hiyawan sa labas at nalaman kong biglang nawalan ng kuryente ang buong mall.
Tanging liwanag lang ng screen ng laptop ang nagliwanag sa area ko. 'Di ko napansin na ako na lang pala ang nag-iisang customer ng cafe. May nakita naman kong flashlights sa may counter kaya nakampante ako. Akala ko ako na lang tao dito sa loob.
"Ah, Miss, are you still okay there?" rinig kong sabi ng lalaki sa counter na siyang lumapit sa amin kanina.
"Okay naman po," sabi ko na lang kahit na Miss yung tawag niya sa akin.
Bumalik naman ang kuryente ang nagliwanag ulit ang buong lugar. Kaya, minabuti kong niligpit na ang mga gamit ko para umalis na. Bumalik naman ako sa counter at sinabing aalis na ako eh baka hindi magiging wanted pa ako sa labas dahil hindi ako nagkapagbayad ng bill namin. He told me again na okay na yung bill at si Peter na daw bahala doon.
Lumabas na ako ng cafe at isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Agad ko namang hinanap ang payong ko sa bag ngunit laking gulat ko nang maalala kong naiwan pala sa apartment.
Hindi pwedeng maligo ako sa ulan dahil sa laptop ko.
Nakakahiya naman kung babalik pa ako sa loob kaya mag-aantay na lang siguro ako na tumila ang ulan—
May bigla namang naglagay ng coat sa likuran ko kaya nilingon ko kung kanino galing 'yon. "Masyadong malamig sa labas," rinig kong sabi niya.
Nakaramdam ako ng malakas ng kabog sa dibdib ko sa oras na 'yon lalo na't kilala ko kung sino ang nasa tabi ko ngayon.
"K-Kuya Gerald?"
BINABASA MO ANG
His Favorite Song (Completed)
RomanceTwo strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes a turning point in their lives. Challenged by fate, will their story unfold into a playlist of happ...