Chapter 1

14 0 0
                                    

ARYA'S POV

"Arya! I need the papers NOW!"

"Yes sir. Yes sir!"

Jusko naman! Eto na naman tong masungit na boss namen na to. Ang aga aga, ang init ng ulo. Wala talagang pinagbago.

"Ano ba, Arya! Napaka tagal mo naman!" Sigaw ni Boss.

"Eto na, Sir."

Dali dai akong tumakbo papasok sa opisina nya. Pag pasok ko tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at sabay tinaas ng kilay. Jusko tong lalakeng to. Grabe ang talaga.

"Eto na po, Sir. Sorry po natagala, may kinu..." di ko na natapos sasabihin ko kase bigla na syang nagsalita.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kapag kelangan ko yung paper works niyo, dapat maiabot nyo na saken. Anong mahirap intindihin dun, Arya?"

"Sorry, Mr. Lee. May kinuha pa kase akong documents kay Bella kaya na...."

"Shut up! Lumabas kana. Di ko kelangan ng explantions mo." sabi saken ng magaling kong boss. Inirapan pa ko. Jusko. Nakakairita talaga. 

Lumabas nalang ako ng opisina nya at napatuloy sa iba ko pang trabaho. Sirang sira na aaw ko dahil sa kanya. Ang aga aga eh. Jusko.

Oo nga pala..

My name is Arya Gayle Valdez. I am working as an Accounting Assistant sa CL Corporation. At yun masungit na lalake kanina, yun ang anak ng Big Boss namen,si Sir Carsten Lee. Sya ang President ng CL Corporation. 

Araw-araw ganyan ang eksena dito sa opisina. Wala akong matandaan na kahit isang araw na hindi nagalit yang si Mr. Lee.

Pagkabalik ko sa pwesto ko, nilapitan agad ako ni Ciara.

"Napagalitan ka na naman?" Tanong ni Ciara
"Hindi ba halata, girl?" Sabi ko sa kanya. " Grabe talaga kasungitan nyan ni Mr. Lee e no. Hindi naman masungit sila Madam at Big boss. Kahit si Ma'am Cynthia mabait rin naman. Baket kaya ganyan yan si Sir Carsten?!" Dagdag ko pa.

"Nako. Di kapa ba nasanay? Ganyan naman yan araw-araw saten. Tyaka mas lalo nga syang gumagwapo kapag nagagalit sya e" sagot naman ni Ciara na parang kinikilig pa habang tinatanaw nya si Mr. Lee sa glass wall ng office neto.

"Jusko, Ciara. Aanhin mo ang gwapo kung ganyan naman kasama ang ugali no." Totoo naman talagang gwapo si Sir Lee. Maputi, matangkad, maganda ang mata nya, makapal ang kilay. Magamda rin pangangatawan nya. Pero saksakan naman ng kasungitan. Kung ako magkakaroon ng boyfriend, mas gugustuhin ko yung kahit hindo gano kagwapuhan basta maganda ang ugali. Hindi katulad netong boss ko na gwapo nga, halos perfect na sya sa physical appearance, ubod naman ng sama ang ugali.

"Ciara, bumalik kana nga dun. Madami pa akong gagawin. Ang daldal mo e." Sabi ko kay Ciara ng biglang....

"Arya! Pumunta ka rito sa office ko. NOW!" Sigaw ni boss sungit.

"OPO SIR!" at tumakbo na ako papunta sa office nya.

CARSTEN'S POV

"What?! Anong nangyare kay dad?!" Sabi ko kay Ate Cynthia na kausap ko sa telepono.

"Nandito kame ngayon sa ospital. Medyo okay naman na si Daddy. Mabuti nalang at may nakakita sa kanya nung nahilo sya at nagcollapse sa isang stall sa mall. And luckily, kaibigan nya ang nakakita sa kanya." Sagot ni ate Cynthia

"Saang ospital yan, Ate? Pupunta ako dyan." At sinabi saken ni Ate kung saang ospital nadala si daddy. Binaba ko agad ang telepono at inayos ang gamit ko.

"Arya! Pumunta ka rito sa office ko. NOW!" Sigaw ko sa isa sa mga staff ko dito sa opisina.

"OPO SIR." Nakita ko namang tumatakbo na sya palapit sa opisina ko kaya tumayo na ako bitbit yung mga documents na ipaasikaso ko sa kanya."

"Yes sir, ano po yun?" Tanong ni Arya.

"Ayusin mo yan. I-file mo, Okay? Tapos ko ng icheck lahat ng yan. Naintindihan mo ba?"

"Yes sir. So aalis po kayo?"
"Yes. Pero babalik naman ako. May emergency lang. Ayusin mo yang inuutos ko sayo. Okay?"

"Yes sir."










Secretly Married to my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon