DR 11

3.1K 122 0
                                    

Dala ko ang gitara na pagmamay-ari ni Averil habang papunta ako ngayon sa auditorium ng campus. May mga nakakasabay din akong ibang estudyante na hula ko ay katulad ko din na mag-o-audition.

Kinakabahan man ay pinatatag ko ang sarili. Syempre, kahit na nga ba confident ako sa boses ko ay hindi ko parin mapigilang kabahan. Hindi lang naman ako ang may magagandang boses sa campus. Baka nga may mas maganda at magaling pang kumanta kaysa sa akin.

"Vocalist ba yung sasalihan mo?" Tanong sa akin ng katabi ko. Katulad ko ay may number din sya sa bandang kanan ng dibdib nya.

"Oo, ikaw?"

"Drummer," sagot nya. Wow ha? Babae sya at yun ang sasalihan nya? Sabagay, pwede naman yun eh.

Maganda yung babae. Halatang may lahi dahil sa ocean blue eyes nya na kumikinang lalo na at pag natatapat ito sa ilaw.

Sa buong audition ay kaming dalawa ang nag-uusap. Paminsan-minsan ay nagco'comment kami sa mga napapanuod naming nag'audition din. Hanggang sa sya na ang sumalang at tumugtog na sa drum.

Buong performance nya ay isa lang ang masasabi ko. Sobrang galing nya at talagang gamay na gamay nya ang drumsticks. May paghagis pa sya doon at walang kahirap-hirap nya itong sinasalo. Kung minsan ay pinapaikot nya pa ito sa kanyang daliri kaya hindi din mapigilan na ma'impress ng mga taong nanunuod sa kanya at isa na ako doon.

"Galing mo ah," puna ko sa kanya pagkaupo nya sa tabi ko.

She smiled shyly at me. "Thanks! Ikaw ah, galingan mo din!"

Pagkatapos ng dalawang estudyante ay ako na ang sumalang. Nakasukbit na ang tali ng gitara sa balikat ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang kalabitin ang strings ng gitara.

Kinanta ko ang Dancing on my own. Buong pagkanta ko ay talagang binuhos ko na ang lahat ng makakaya ko. Maging ang emosyon ko sa bawat liriko na binabanggit ko ay talagang hindi ko pinalagpas. Yun kasi ang pinakamahalaga sa pagkanta eh.

Palakpakan mula sa mga judges ang nagpamulat sa aking mga mata. Nakita ko din na tumayo ang kasama ko kanina at malakas na pumapalakpak din. Nag thumbs up pa sya sa akin at nginitian ako ng malapad kaya napangiti na din tuloy ako.

Natapos ang audition na parehas kaming may ngiti sa mga labi. Mukhang parehas kaming nag'enjoy kanina. Hindi na nga namin naramdaman ang pagiging kabado e.

Sa susunod na araw namin malalaman kung sino ang makakapasa sa auditions. Hindi ko tuloy maiwasang maging excited dahil doon.

"By the way, I'm Lovelyn. Pwede din namang Love itawag mo sa akin if you want since yun naman talaga ang tawag ng mga malalapit sa akin." Natatawa nyang pagpapakilala sa akin.

Napaangat ako ng kilay at natatawang napatingin sa kanya. "Lovelyn? Wow, what a wonderful name! Sige, pwede din, sabi mo eh."

"Hindi ko alam kung bakit yun ang pinangalan sa akin ni Mommy. How about you? Kanina pa tayo magkausap pero hindi pa natin kilala ang isa't-isa."

"I'm Allison," Nakipagkamay naman ako sa kanya na agad din naman nyang tinugunan.

Nagkwentuhan pa kami habang naglalakad kami sa cafeteria. Sakto din kasing lunch time ng matapos ang audition. Nalaman kong Journalism ang course nya at member din pala sya ng volleyball team. That's explain why most of the students na nadadanan namin ay tinitingnan sya na may paghanga sa mga mata.

Pagpasok namin sa cafeteria ay nakita ko agad sila Kylie na nasa usual spot namin kaya nagpaalam na ako kay Love. Medyo nakaramdam naman ako ng ilang dahil sa pagtawag ko sakanya pero hinayaan ko nalang. Masasanay din siguro ako pag nagtagal.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon