"Umupo ka dyan, kami na ang bahalang mag ayos!"
Bumalik na lang ako sa kwarto ko nang pagsabihan ako ni Kuya Kelly. Despedida party namin ngayon at inaayos na nila 'yung pwesto sa garage, maaliwalas naman doon. Hindi naman masyadong marami ang bisita namin. Mga kaibigan ko lang at mga kapatid ni Mama.
Nandoon na rin daw sa baba sina Martha at iba ko pang mga kaibigan. Sila ang nag aayos at pati invitations ay sila ang gumawa at nagpamigay. Sinabi ko sa kanila kung sino ang mga bibigyan nila para alam nila.
"Elle?" Kaagad akong tumayo mula sa kama nang marinig ko ang katok ni Marco. Kaagad kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at pinapasok siya.
"I'll miss you!" Sabi ko at sinalubong ko siya sa yakap ko.
"Nakaka tampo ko naman." Umupo siya sa kama ko at pinagmamasdan ang paligid nito.
Sumandal ako sa balikat niya at nakipag kwentuhan. "Huwag ka sanang makalimot." Aniya.
Sinapak ko siya sa sinabi niya dahil imposible namang mangyari iyon. Hindi naman ako mawawalan ng alaala doon sa Miami, ah! Umangat siya ng tingin sa akin at nanatili lang siya sa ganoong posisyon.
Mabilis siyang tumayo mula sa kama ko nang makita niyang pumasok si Kitty. "Ah, Elle, mamaya na lang." Sabi niya bago pa siya lumabas sa kwarto.
Kitty gave me a warm hug nang makalapit na siya sa akin. Dinig na dinig ko ang pag iyak niya habang magkayakap kami. "Shh." Bulong ko at hinagod ang buhok niya.
"Ang daya mo naman!" Sabi niya nang nakaharap na siya sa akin. Pinupunas pa niya ang mga luha niya gamit ang panyo.
Pinaupo ko siya sa kama. "Wala rin akong choice." Bulong ko. Pinipigilan ko na naman ang luha ko. Ayokong umiyak ngayon. Hindi pa naman ngayon ang alis ko, e.
Umiling lang siya at patuloy sa pag iyak. Dati pa kasi ay hindi na siya payag sa pag alis ko. Akala siguro ni Kitty na hindi na kami aalis dahil maayos na ang buhay ko dito. Akala ko rin, e...
"Babalik ka pa naman, hindi ba?" Tanong niya.
"Oo naman. Magkikita pa tayo ulit." I smiled at her.
Medyo tumigil na siya sa pag iyak sa sinabi ko. Alam kong masakit pa rin sa kanya. Lalo na't hindi na kami madalas magkita ngayon dahil busy siya sa pag aaral.
Later on, tumatawa na siya. "You really know how to make me laugh!" Sabi niya.
I wish I could do that to myself when I'm sad.
Tumingin si Kitty sa phone niya nang may nagtext dito. Medyo lumayo pa siya sa akin para basahin niya iyon. Nang mabasa na niya at lumapit na siya sa akin at niyaya na akong lumabas.
Nakasuot lang ako ng white floral off shoulder dress at black na pointed heels. I curled my long blonde hair para maiba naman ang look ko ngayon.
Tumayo na ako at hinila na ako ni Kitty palabas ng kwarto. Pagbukas pa lang ng pinto ay rinig ko na ang ingay mula sa baba.
"Madami bang tao?" Tanong ko kay Kitty habang pababa kami sa hagdanan. Hawak niya pa rin ang kamay ko.
"Kakilala mo lang naman ang mga ininvite ni Ate Martha." Sagot niya at ngumiti ng kaunti.
Nasalubong namin ang mga Tita ko at ang mga pinsan ko. Nagmano muna ako sa kanila bago ako tuluyang lumabas.
Kanina pa mukhang excited sa akin si Kitty! Hindi ko alam kung anong pakulo nila.
Bumungad sa akin ang mga nakaayos na upuan at mga mesa. May mga sound system rin at pailaw. Iyong mga pagkain naman ay nakahanda na rin sa iisang mahabang mesa.
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Teen FictionIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...