Author's Point of view
Abala kaming lahat sa pag tapos Ng mga gagamitin para sa mga bisita. Pista ngayon at tila Aligaga Ang lahat bakas Ang pag mamadali sa bawat isa. Si ina'y abala sa pag aayos ng sala habang si ama Naman ay abala sa Kung anong bagay.
"Imeng ayusin mo at pag dumating na Ang mga tao'y kailangan maayos na Ang pag lalagyan dapat wala nang nakasabagal ng maayos nitong mailagay." Paalala ni ama kaya napa ngiti ako si ama talaga'y pulido sa lahat ng bagay.
Si ina Naman ay di sumagot bagkus tumango lamang ito.
Dumating na Isa Isa Ang aming mga kamag anak samatalang diretso sila saaking mga kapatid na walang humpay sa pag-iyak.
Nilapitan ko sila at tinanong
"Manuel bakit kayo umiiyak?" Ngunit imbis na sagot Ang aking makuha ay Hindi ako pinansin baka wala sa mood kaya ganon.
Lumipas Ang oras ng dumating si ama na tila'y kakagaling lang sa pag iyak may mga tao ding nag si datingan sa bahay na di ko kilala Kung sino.
Nag umpisang mag sing iyakan Ang lahat kasabay ng pag pasok ng puting kabaong sa bahay bahagya akong napatigil Sino Ang namatay?
"Ama Sino pong namatay?!" Gulat na tanong ko nanginginig ako sa kaba Hindi ba pista ngayon? At bakit may patay? Sino yan ?
"Andito na siya mga anak" mahina at umiiyak na Saad nito tila'y natigilan ako napatingin ako ka'y ina
Hindi kaya si ina? Walang emosyon siyang nakatingin sa gawi nang mga tao sabay tingin saaking tabi. Bahagya itong tumigil saking harap at nag lakad papalayo papuntang kusina.
"Toyang! Bakit mo kami iniwan!" Tila'y binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking narinig
Hindi! Hindi pa ako patay!
Napa upo ako sa aming sahig tila'y bumagal Ang pangyayari.
Narinig ko nalang Ang taong may daka ng kabaong na nag uusap.
"Anong petsa ngayon?"
"December 30"
Ngayon Ang Alam ko na oo Tama ako na pala Ang bagong biktima ng pahinang ito.
Page 365 of 366 malas na numero bago matapos Ang taon.

BINABASA MO ANG
Page 365 of 366 Mga Pahina
HorrorSeries of tragic and dark stories about December 30