Jealous?
"Tara na sa canteen. Gutom na ako!" hinatak hatak pa kami ni George papunta sa cateen. Masyadong napasabak utak namin sa 200 items na quiz namin kay Cocai amp
"Ako na mag-oorder" saad ni Nix at tumayo na para pumunta sa counter. Si Yam at nakayuko sa may lamesa namin kami naman nina Zione at George ay nakatulala. Unexpected kasi yung quiz na yon! Hindi nga din ako naka-review e. Bumalik si Nix na may dalang tray sa umupo sa gitna namin ni Yam. Nagsimula na kaming kumain at walang nagtangkang magsalita
"Ayos lang kayo?" Basag ni Nix sa katahimikan "ayaw niyo ba yung pagkain gusto niyo bili ako ng bago?" tanong pa niya
"Naku hindi na. Nagrerelax lang yung utak namin" pagpigil ko sa kanya baka kasi mag-oorder pa siya, nakakahiya na
"Di ako relate. Wala naman kasi akong utak" hirit ni Zione pero kami lang ni Yam ang natawa "huyy Gregorio joke yun a bat dika natawa?" takang tanong ni Zione sa kanya
"Ay dapat ba ako matawa?" tanong pa niya nagpoker face nalang kami "HA HA HA" weirdong tawa pa niya!
"Gagu amp" bigkas ni Yam pero walang tunog. Naintindihan ko lang kasi napansin ko iyon sa pagbuka ng bibig niya
"Napapansin ko sa madalas nating kasama si Nix" pag-iiba ni George ng usapan
"Ahh. Ayaw mo ba?. Cge babalik na lang ako sa table namin bukas" Saad naman ni Nix
"Hindi ano ka ba! Nagtataka lang ako jowa mo ba si Yam?
"Bat ako gagu?" sinamaan siya ng tingin ni Yam pero linipat niya ang tingin niya sa akin sabay turo
"Edi jowa mo si Jam?" tanong naman niya kay Nix
"Porket ba andito siya dapat may jowa? Diba pwedeng nakikipagkaibigan lang?" Saad ko sa kanya
"E bakit wala si President dito, diba barkada mo yun Nicholas?" daming tanong nitong si George a!
"Baka ayaw niya tayong kaibiganin" singit ni Zione "porke crush mo siya a!" napalakas pagkakasabi ni Zione kay George kaya natawa si Nix sa kanila
"Oo na, edi ikaw nang nakakasama crush mo! Nix crush ka neto!" sigaw naman ni George kaya nanlaki mata ni Zione
"Huyyy! Hind----" napatikom agad siya ng bibig nang makita niya si President na nakatayo sa harapan niya na nakataas ng kilay
"Hanap ka ni Cocai sa Faculty room" masungit na saad niya na nakatingin saakin bago umalis
"Teka,ako?" tanong ko sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin
"Ahh hinde!" sarkasmo at walang kwenta niyang sagot saka naglakad palayo
Agad naman akong pumunta sa faculty dahil ang akala ko pagalitan na ako ni Cocai pero hindi. Nagtaka pa nga siya kunng bakit andun ako syempre gumawa na lang ako ng excuse para hindi mapahiya saka ako bumalik sa classroom
"Ano kumusta yung lakad mo?" tanong agad ni Yam pagdating ko
"Wala buset! scammer presidente niyo" pabagsak akong umupo sa aking upuan saka tumingin ng masama kay shokoy pero iniwas niya lang ang kanyang tingin.
~~~~
"Papel"masungit na saad ni Shokoy dahil siya ang taga kuha ng papers sa essay namin. Pabato kunamang binigay sa kanya. Hindi nadin naman siya nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagkuha ng papel ng kaklase namin. Nabubwisit pa rin ako sa ginawa niya a!
Kinabukasan magkakasama ulit kami at sa tuwing magkakasama kami high blood president niyo!
Padabog siya kung umasta at gumalaw. Ano namang pinuputok ng butchi neto? Masyado ba akong maganda para mapainit ko ulo niya?
"Water " alok sa akin ni Nix matapos ang performance namin sa pe nasa hall kaming magsesection ngayon
"Salamat" saad ko saka kinuha iyon sa kamay niya at agad na uminom nang biglang sumulpot si Shokoy sa harapan namin
"Punta ka daw sa faculty may ipapagawa sayu si Ms. Vegas" saad niya saka umalis ulit
"At sa tingin mo maniniwala ulit ako sayu? Noong nakaraan pinapunta mo ako dun para ipahiya a! Hindi ko pa nakakalimutan atraso mo sakin!" sigaw ko saa kanya
"Bahala ikaw naman mapapagalitan atleast nasabi ko na" saad niya saka aakmang maglalakad na
"Samahan na lng kita" offer ni Nix
"Ahhh you can't be there bro . There are many teachers there today because they have free time. Hayaan mo may ipapagawa lang naman sakanya ng kunti" pigil na naman ni Shokoy kay Nix
"Pero wala rin naman akong gagawin dude" pangungumbinsi pa ni Nix
"Ahh..... The basketball team are waiting us in the covered court. Let's go!" inakbayan niya si Nix saka inakay papunta sa covered court. Tumingin pa sa akin si Nix pero nagthumbs up na lang ako at ngumiti. Parang ayaw pa sana niya nung una pero wala siyang nagawa kundi sumama na lang
Agad naman akong pumunta dun at tama nga siya. Nagpapatulong si Ms. Vegas sa akin na magcheck ng papers namin at sa kabilang section. Andami a! Nag-over time pa ako buti na lang at inantay ako ng sundo ko.
Lumipas ang ilang linggo at ganun padin ang nangyayari. Laging nag-iinit ng ulo ni Shokoy at halos pakialaman na niya ang nangyayari sa buhay ko. Nagtataka na din si Yam pero di siya magsasalita. Ano bang problema ng gagong yun? Nasa tuwing magkakasama kami e parang pinaghihiwalay niya kami. Parang ayaw niyang nakikita kaming magkakasama? Tssss
"Tanungin mo nga kung anong problema ng president natin?" tanong ni Yam nang makalabas kami ng campus at naghihintay ng susundo sa amin
"Pake ko. Baka 8 months lang siyang pinagbuntis ng nanay niya kaya abnormal kung umasta" Saad ko
"Gaga,hindi kaya nagseselos yun?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya
"Kanino? Saan? " sunod sunod kung tanong
"Sayu. Napansin ko kasi na ayaw niyang nagsasama kayo ni Nix e. Dahil sa tuwing dumidikit siya sayu gumagawa siya ng paraan para di kayu magkasama" seryusong saad niya
"Epal. Tayo nga magkakasama e paanong kami lang ang pinaghihiwalay tsaka matagal na kaming hiwalay ni Nix"
"Gaga kahit pustahan pa tayo gusto ka ng presidente natin" kinukurot kurot pa niya ako "maniwala ka sa sinasabi ko kingina ko!" sabay tawa niya ng malakas. Baliw!
~~~~
:)
![](https://img.wattpad.com/cover/224450810-288-k778501.jpg)
BINABASA MO ANG
CRAFT 360 [on-going]
Teen FictionWe begin it here,let's end it here [BFF's Series #1]